^

PSN Opinyon

12 masustansiyang prutas sa Pilipinas  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga masustansiyang prutas na mabibili sa Pilipinas:

1. Ubas – Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla.

2. Pakwan – Panlaban ito sa sakit sa bato at pantog. Punumpuno ng vitamin C at potassium na kailangan ng ating katawan.

3. Peras – Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi. Ang fiber ay nagbibigay ng hugis sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi.

4. Suha – Nakatutulong para makaiwas sa kanser at diabetes. Ang balat nito ay may sangkap na bioflavonoid na nakatutulong para makaiwas sa breast cancer. Kung may diabetes, 3 o 4 na hiwa lang ang kainin.

5. Strawberry – Naniniwala ang mga eksperto na pan­laban ito sa kanser. Mag-ingat lang kung allergic sa straw­berry. Hugasan muna ito bago kainin.

6. Saging – Mainam ang saging sa mga nag-eeher­sisyo at may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed, nakapagpapa-relax ito dahil sa sangkap na tryptophan.

7. Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na nagpapakinis ng balat.

8. Papaya – Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong sa kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at regular ng pagdumi.

9. Pinya – Ito ay may bromelain na nagpapalakas ng resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa katawan.

10. Buko – Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones.

11. Mansanas – Mayroon itong vitamin C at anti-oxidants. Mahalaga na kainin din ang balat nito dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa katawan. Panlaban din ito sa mataas na cholesterol, arthritis at sakit ng tiyan.

12. Orange – Masagana ang orange sa vitamin C na panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis.

vuukle comment

PRUTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with