^

PSN Opinyon

Ang kidney at urinary tract infection

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang ilang dapat malaman sa kidney at urinary tract infection (UTI).

1. Ang urinary tract infection (UTI) ay puwedeng umak­yat sa kidneys at makasira nito. Puwede itong magdulot ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis.

2. Ang tinatawag na Honeymoon Cystitis ay ang pagkakaroon ng impeksiyon sa ihi na nangyayari pagkatapos ng unang pagtatalik.

3. Mas madalas magkaroon ng UTI ang kababaihan dahil maikli ang daanan ng ihi nila, hindi katulad ng mga kalalakihan.

4. Pagkatapos magtalik, piliting umihi at maglinis din ng puwerta para hindi magkaroon ng impeksiyon.

5. Ang nephrotic syndrome ay isang sakit kung saan ang isang tao ay naglalabas ng protina ang mga kidneys ng pasyente at puwedeng magmanas ang paa at mukha.

6. Kung may sakit sa kidneys, mag-ingat sa high-pro­tein diet tulad ng Southbeach at Atkin’s diet dahil ito’y mag­papahirap sa trabaho ng kidneys.

7. May 2,000 Pilipino kada taon ang nangangailangan ng dialysis. Kalahati sa kanila ay walang pera para umpi­sahan ang dialysis.

8. Ang dialysis ay isa sa pinakamahal na gamutan. Aabot ng P3,000 bawat dialysis at P36,000 kada buwan ang gastos

9. Sa National Kidney Institute, 200 pasyente ang nag­hihintay ng kidney transplant. Ang kidney transplant ay nag­­kakahalaga ng P1.5 million para sa pribadong pasyente at P500,000 sa charity case.

10. Huwag araw-arawin ang pag-inom ng pain relievers dahil ito’y makasisira ng kidneys.

11. Umiwas sa mga maaalat na pagkain at sawsawan, dahil nakasasama ito sa kidneys. Bawasan ng toyo, patis, bagoong, alamang at tuyo.

12. Iwasan din ang pagkain ng junk foods at sitsirya na maraming vetsin.

13. Kung mahilig sa instant noodles, bawasan ang alat o seasoning na inilalagay dito. Kalahati lang ang ilagay para hindi mahirapan ang ating kidneys.

14. Tandaan, uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig sa maghapon para manatiling malinis ang ating katawan. Tubig ang gusto ng ating kidneys. Pero huwag din lalampas sa 16 na baso sa isang araw.

UTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with