^

PSN Opinyon

Oplan Tambay

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMING policy ng administrasyon ang marahil ay tinu­tutulan natin. Pero inaayunan ko ang paglilinis sa mga komunidad sa mga istambay na nag-iinuman sa kanto. Madalas ay nakabilad ang pang-itaas na katawan na tadtad ng tattoo. Nakatatakot lalu na sa mga taong dumarayo lang para bumisita sa kaibigan o kamag-anak sa isang lugar. At totoo naman na madalas nagkakaroon ng kaguluhan kapag lango na sa alak ang mga tumotomang istambay.

Sabi ni Sen. Bam Aquino, anti-poor daw ito. Hindi naman. Puwede namang umayos ang mga mahihirap kung gusto nilang mag-inuman. Huwag lang gagawin sa labas kundi sa loob ng bahay o bakuran.

Huwag lang aabusuhin, ang kampanya laban sa mga istambay ay tamang hakbang para hindi maging katatakutan ang mga komunidad na ating tinitirhan. At huwag naman sanang ikalaboso agad. Ngunit komo ang nag-atas sa paghihigpit ng implementasyon ng batas laban sa istam­bay ay si Presidente Duterte, maraming nanga­ngamba na ipinakikita na ng Pangulo ang kanyang pagiging diktador. Aba, kapag naging diktador si Duterte, tiyak kasama ako sa maraming tututol at mag-aaklas.

Ang tanong ko lang ay bakit mga pulis ang dapat mag­pairal sa mga local na ordinansa laban sa mga istambay? Puwede itong gawin ng barangay sa pamamagitan ng mga nakatalagang tanod. Kunsabagay, paano mo ma­­aasahan ang ibang barangay kung may mga opisyal na tumatambay din at nakikipag-inuman sa labas ng kani­lang mga tahanan?

Kahit nung wala pa sa puwesto si Duterte, may mga dati nang ordinansa laban sa pag-iinom sa labas ng taha­nan ngunit hindi nga lang naipatutupad.

Kaso, nang ipag-utos ng Pangulo na ipatupad ang mga ordinansang ito, may mga pulis na nagpakitang-gilas at kung sino-sino na lang ang dinakip kahit may binibili lang sa tindahan o kaya ay may hinihintay. Huwag naman sanang ganyan!        

vuukle comment

BAM AQUINO

OPLAN TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with