^

PSN Opinyon

Sunud-sunod na bomba

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ESPINOSA. Sa ngayon, iniimbestigahan pa sa Senado ang hindi maintindihang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan sa kamay ng mga operatiba ng batas. Sa kanilang mga paunang paliwanag, lahat nang hindi kapani-paniwalang mangyari ay nangyari para mapilitan silang barilin ang mayor. Ewan ko kung ano ang kanilang inaasahan mula sa lipunan. Dahil siguro sumusugal na walang mangangahas na tetestigo sa mga preso, pangangatawanan ang kanilang bersiyon na mas incredible pa sa mga istorya ni Batman sa komiks.

Upang maging katanggap-tanggap ang ganitong testimonya, kailangan naman bilang minimum ang posibilidad na sa karaniwang karanasan ng tao ay maari itong mangyari. Sorry, pero wala pa yatang ganitong nangyayari saanman sa ating bansa. Kung kaya ang pihadong pag-unawa ng taumbayan ay mayroon ngang kawalanghiyaang na­ganap.

Marcos. Sa isyu ng desisyon na kilalanin ang kara­patan ni Ferdinand E. Marcos na maipalibing sa LNMB ayon sa itinakda ng batas, mariing tinututulan pa rin ito ng ilang grupo. Ang ikinagagalit ng iba: si Marcos daw ang nanira ng mga institusyon ng bansa noong martial law.

Ang isa sa pinaka-nasirang institusyon ng martial law ay ang mismong Mataas na Hukuman. Dahil pinili ni President Marcos na siguruhin na ang kanyang bawat kilos ay naaayon sa isinasaad ng batas, siya mismo ang gumawa ng batas at pinilit niya ang mga mahistrado ng Korte Suprema na sang-ayunan ang kanyang bawat hakbang. Ang Supreme Court noon ay naging rubber stamp lamang at talaga namang nasalaula ang reputasyon. Kung kaya ang kanilang desisyon sa kaso ni Marcos ay nakagu­gulat. Isa itong pagpapatotoo na naibangon na nila ang sarili sa dating­ imahe na sunud-sunuran lamang. Sa desisyong ito, pinangatawanan ng Korte ang kanilang independence bilang institusyon at pinakita nilang malawak ang kanilang isip kahit pa katumbas nito ay ang pagbibigay dignidad sa taong may akda ng kanilang dating pagkasira.

vuukle comment

MAYOR RONALDO ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with