^

PSN Opinyon

Political will sa paputok

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

2016, Year of the Monkey, kaya naman ungguyan ang taon ngayon...hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang maaga pa ay pag-aralan ng mga politiko d’yan sa Kongreso ang ‘total ban’ sa firecrackers para maging ligtas ang madlang people sa Philippines my Philippines upang hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Yesterday, January 1, 2016, nagkaroon ng countdown ang mga ospital sa Philippines my Philippines kaya naman nalaman ng Chief Kuwago, na marami pa rin ang biktima ng firecrackers at mga tinamaan ng bala ng baril nang mga gagong nagpapasiklab habang nagtatago ang mga Kamoteng ito sa ginagawang pagpapaputok.

Sabi nga, mataas pa rin ang bilang ng mga biktima!

‘Ano ang dapat gawin para matigil na ang problemang ito dahil taun-taon na lang nangyayari ito?’ tanong ng kuwagong tangging ina.

Sagot - ‘political will’ para sa total ban ng firecrackers at para hindi na rin makahirit ang mga nagtatagong animal na nagpaputok ng kanilang baril.

Ika nga, kung walang ingay from the firecrackers tiyak maririnig ng madlang public kung may nagpaputok ng boga sa kanilang lugar at madali silang maituro kung saan lungga nanggaling ang putok!

Tanong - may mga batang biktima ng ‘piccolo’ paano ito nabili at saan ito galing na tindahan?

‘Ang piccolo, ay isang uri ng paputok na mahigpit na pinagbabawal ng gobierno sa Philippines my Philippines pero yesterday, may mga naging biktima pa rin gamit ito at mukhang hindi natiktikan o nakalusot sa mata ng mga barangay sa kanilang lugar ang pinagkunan o saan tindahan ito galing o nabili?’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kambiyo issue, hindi dapat tantanan ang usapin tungkol sa ‘total ban’ ng mga paputok, gobierno dapat ang gisingin at yugyugin dito para makaiwas na sa panganib ang madlang people na mahilig sa pasikat este mali pagpapaputok pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong kuwarta ang kinikita ng mga namumuhunan sa pagbebenta ng paputok halos triple ang kinikita nila, ang masama nga lang ay may mga nabibiktima at hindi lang basta ikinasusugat nila kundi ikinamamatay pa ito ng ilang nilalang ni Lord kapag minalas-malas.

Tanong - ano ang magandang paraan upang matigil na ito?

Sagot - total ban!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, early morning, yesterday, sa isang place sa Tondo ay may nagsindi ng kuwitis habang pahupa na ang putukan imbes na sa himpapawid ito pumutok, pumasok ito sa isang haybol at dito sumabog na naging dahilan ng malaking sunog sa mga kalapit bahay dito.

Kambiyo issue ulit,  oras na ipagbawal ng gobierno ang lahat ng uri ng firecrackers ay maiiwasan din ang indiscriminate firing ng mga animal na isa sa dahilan ng mga inosenteng tinatamaan ng stray bullets.

‘Pabigatin ang parusa sa mga animal na nagpapaputok ng baril para magtanda ang mga gago na nagyayabang habang nagtatago kapag nagpapaputok ng kanilang mga baril,’ sabi ng kuwagong sulsol.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

CHIEF KUWAGO

ITO

KAMBIYO

MGA

SABI

SAGOT

TANONG

YEAR OF THE MONKEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with