^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Total ban sa piccolo

Pilipino Star Ngayon

MAYROON nang mga nasusugatan dahil sa pa­putok. Wala pang pinalalabas na bilang ang Department of Health (DOH) pero inaasahang ma­lalampasan ang bilang ng mga nasugatan noong nakaraang taon. Sa tala ng DOH, umabot sa 351-katao ang naputukan noong 2014 at karamihan sa mga ito ay bata. Piccolo ang karaniwang pinapuputok ng mga bata na naging dahilan ng pagkakasugat at pagkakaputol ng kanilang mga daliri.

Noong 2013, umabot sa 599 katao ang naputukan at karamihan din sa mga ito ay mga bata na gumamit ng piccolo. Bukod sa pagkaputol ng daliri, mayroon ding nabulag dahil sa piccolo.

Kaya mahigpit ang panawagan ng Department of Health (DOH) na ipagbawal ang piccolo para wala nang maputulan ng daliri. Ayon sa DOH nananawagan sila sa local government units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na tulungan sila para ganap na maipagbawal ang piccolo. Naniniwala ang DOH na kapag nawala ang piccolo mababawasan ang mga mabibiktima habang nagdiriwang ng Bagong Taon.

Malaki naman ang papel ng mga magulang para hindi mapahamak o maputulan ng daliri ang kanilang mga anak. Laging bantayan ang mga anak para hindi ito makabili ng piccolo. Madali lang bilhin ang piccolo sa mga tindahan sa kanto. Bantayan din naman at baka mamulot nang hindi pumutok na piccolo ang mga bata. Karaniwang ang mga hindi pumutok na piccolo ay mayroon palang sindi at kapag dinampot ng bata ay saka puputok. Huwag hayaang sirain ng piccolo at iba pang paputok ang kinabukasan ng anak.

Kapag hindi ipinagbawal ang piccolo, mas marami pa ang mga bata na mapuputulan ng daliri at masasabugan sa mukha. Hulihin ang mga nagtitinda ng piccolo para ganap na mawala ang paputok na ito sa merkado. Karamihan sa piccolo ay smuggled. Nararapat na magsagawa ng pag-iinspeksyon ang Custom para matukoy ang mga taong nasa likod ng smuggling ng piccolo. Magkaroon naman ng tapang ang awtoridad para total na i-ban ang piccolo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BATA

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

MGA

PARA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PICCOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with