^

PSN Opinyon

‘Pagmamanipula sa isyu’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KANYA-KANYANG maniobra ng isyu ngayon ang mga spin doctor.

Mga magagaling magpaikot ng isyu. Nagagawa nilang gawing itim ang puti at gawing puti ang itim. Nagagawang tama ang mali at mali sa tama.

Mga pailalim na estratehiya na ang tanging layunin, pilit maibaon sa kalimot ang partikular na isyu para mata­bunan ng iba at mabura na sa isipan ng tao.

Sa dami ng mga naglalabasang basura sa telebisyon, radyo, dyaryo at maging sa social media hindi na malaman kung sino ang dapat paniwalaan.

Hindi na malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kasinungalingan. Dito gumagana at lalo pang nagiging agresibo ang mga spin doctor.

Depende kung sino ang kanilang mga pinaglilingkuran, hinihilot at minamaniobra nila ang anumang isyung­ makakasira sa kamada ng kanilang principal.

Kapalit ng kalansing ng pera, talagang makikipag­laban ng patayan maipagtanggol lang ang kanilang kliyente­ sa lahat ng mga pambabatikos o makakasira sa kaniyang imahe pati na sa partido.  

Iba naman ‘yung mga ‘PR’ o spin doctors na umusbong na parang kabuti para baliktarin ang isyu. Maninira ng alam na makakalaban ng isa ring ambisyoso sa pwesto­ para maiposisyon ang sarili.  

Ang kanilang gagawin, pilit bubuhayin ang mga kontrobersiyang nangyari matagal na. Iibahin lang ang anggulo at diskarte pero ang gigibain pareho pa ring perso­nahe. Bida dyan ang mga trapo.

Lalo na sa mga isyung pulitikal. Kaliwa’t kanan ang nag­lalabas ng balita na kung matalinong aanalisahin, mababasa ang totoo nilang motibo.

Sa lahat ng mga basurang ito, mahalagang huwag madala ang publiko sa mga nakikita, napapanood at nari­rinig lang.  

Mag-analisa. Kilatisin kung sino ang nasa likod ng balita. Alamin kung ano ang motibo ng nasa harap ng mikropono at kamera nang sa gayun hindi matsubibo.  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ALAMIN

ANG

BIDA

DITO

IIBAHIN

KALIWA

MGA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with