^

PSN Opinyon

Adbiyento

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

ANG Bagong Taon nating mga Kristiyano ay ngayong unang linggo ng Adbiyento. Ito ay taon B sa liturhiya ng ating pagsamba sa Panginoon, panahon ng ating paghahanda sa kaarawan ni Hesus. Paghandaan din natin ang pagbisita sa ating bansa ng Kanyang Kabanalan at Kamahalan Pope Francis sa Enero 15, 2015 .

Muling binubuksan ng Ama ang ating maasahang pag-asa sapagkat Siya lamang ang magliligtas sa ating buhay. Dasalin natin ang sinabi ni propeta Isaias: “Balikan mo kami, Iyong kaawaan. Buksan mo ang langit at ika’y bumaba sa mundong ibabaw.” Tayo ang mga lingkod ng Panginoon na buong tiwalang nananalig sa Kanya. “Akitin mo, Poong Mahal, iligtas kami’t tanglawan.”

Ngayon ang ating masayang paghahanda sa ka­arawan ng Kanyang unang pagdating libong taon na ang nakalipas. Ito din ang panahon upang ayusin natin ang ating puso’t isipan sa ikalawang pagdating ni Hesukristo sa katapusan ng daigdig.  Ngayon naman ay panahon ng ating maligaya at banal na paghahanda. Kaya sinasabi sa atin ni Pablo: “Sumainyo nawa ang pagpapala at ka­payapaan mula sa Diyos na ating Ama at kay Hesukirsto.” Ito ang ating lubusang pagpapasalamat sa Ama dahil sa pagpapala Niya sa atin sa pamamagitan ni Hesus.  Ang Adbiyento ay paalaala sa mga bagong Kristiyano noon, sila’y lumuluhang umaawit sa Panginoon. Maranatha! “Come, Lord Jesus”.

Kaya sa ebanghelyo ay sinabi ni Hesus na sa ating paghihintay ay samahan natin ng lubusang pagbabantay. “Mag-ingat at maging handa sapagka’t hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras.” Nilikha tayo ng Diyos sa lupa upang maging taga-bantay. Ipinababahala sa atin ang Kanyang tahanan. Binigyan tao ng ating gagawing paghahanda sa Kanyang pagdating. Tayo ay nilikha at binigyan ng buhay ng Diyos at kailanman ay hindi tayo pababayaan. Kaya upang magampanan natin ito ay tuparin­ natin at gawin ang Kanyang bilin.

Gawin nating mabuti ang kaloob sa atin para bang mga ‘assignment’ sa pagkalikha sa atin ng Diyos. Humanda tayo sapagkat hindi natin alam ang kanyang pagdating. Sinabi Niya: Maaring sa pagdilim, hatinggabi, madaling araw, sa umaga o sa pagtulog. Sinasabi ni Hesus sa atin: “Maghanda kayo.”

Isaias 63:16-19; Salmo 79; 1Corinto 1:3-9 at Marcos 13:33-37

vuukle comment

ANG ADBIYENTO

ATING

BAGONG TAON

DIYOS

HESUS

KANYANG

KAYA

PANGINOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with