^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi patas na trato sa mga bilanggo

Pilipino Star Ngayon

NOON pa may mga VIP treatment na sa mga bilanggo. Kapag maimpluwensiya ang mga nakakulong, parang nagbabakasyon lang sila sa kinalalagyang selda. Paano’y kumpleto sila sa kagamitan – may kama, banyo, aircon, ref at iba pa. At mas matindi na kapag gustong lumabas para bisitahin ang negosyo o pag-aaring gusali, maaaring gawin dahil nakaantabay lang ang sasakyan na may sariling drayber. Habang nangyayari ito, marami namang bilanggo na nagsisiksikang parang sardinas sa selda at nagkakahawahan ng sakit.

Pero mas matindi pala ang kakamting treatment ng mga akusado sa pork barrel scam. Mabuti pa nga ang mga bilanggong VIP sa National Bilibid Prison (NBP) dahil kahit paano naroon sila sa Munti, pero ang mga inaakusahang sangkot sa pork barrel ay nasa mga maaayos na kulungan --- may kama, electric fan, sariling banyo at ang iba ay naka-hospital arrest pa na alaga ng mga doctor at nurse.

Ang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na nakapagbulsa ng P10-bilyon ay nasa 32-square meters na kulungan sa Fort Sto. Domingo. May sariling kama, electric fan at may banyo. Ginagastusan pa siya ng Philippine National Police (PNP) tuwing may hea-ring sa Sandiganbayan. Nakapagbulsa na nga ng pera ng taumbayan, pati ang pondo ng PNP ay uubusin din?

Ang tatlong senador na sangkot sa scam ay nakapiit din sa maayos na kuwarto sa Camp Crame na maaaring dalawin sa mahabang oras ng kanilang mga kamag-anak. Kung hindi binatikos ang mahabang oras ng dalaw kina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay baka hanggang ngayon ay patuloy ang kaluwagan sa kanila. Si Sen. Juan Ponce Enrile ay nasa PNP Gen. Hospital sa Crame at maaa-ring doon na siya manatili.

Ang Chief of Staff naman ni Enrile na si Atty. Gigi Reyes ay maaaring manatili rin sa Philippine Heart Center dahil umano sa paninikip ng dibdib. Hindi na umano nakatuntong sa Camp Bagong Diwa si Reyes sapagkat isinugod agad sa isang ospital sa Taguig at ang sabi ng kanyang mga doctor ay nanginginig at hindi makahinga. Isinugod agad siya sa Heart Center at hanggang sa kasalukuyan ay naroon pa.

Hindi patas ang trato sa mga bilanggo. Habang maraming may sakit at namamatay sa mga bilangguan, ang mga sangkot sa pagbubulsa ng pera ng bayan ay nasa magandang kalagayan at malayo sa totoong kulungan.

 

vuukle comment

ANG CHIEF OF STAFF

BONG REVILLA

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

FORT STO

GIGI REYES

HABANG

HEART CENTER

JANET LIM NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with