^

PSN Opinyon

Congressman, ginagawang race track ang Batasan complex

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may kakaibang trip ang isang congressman?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bro. Willy Cayetano, Kapitan Boyet Villamin, Bro. Tony Ong, Ephraim Fajutagana Jr. at happy wedding kina Mariano Esguerra at Malou Parumog. Alam n’yo bang ginagawang race track ng isang congressman ang Batasan complex? Ayon sa aking bubwit, kapag natuwa si Congressman, hinahataw ang kanyang sportscar na Porsche. 

Dapat pala, hamunin niya si President Noynoy na magkarera sila sa NLEX hanggang SCTEX. Match na match sila dahil parehong Porsche ang kanilang kotse.

Ayon sa aking bubwit, mula sa entrance ng Batasang Pambansa, hinahataw na ni Congressman ang kanyang sportscar hanggang sa entrance ng main lobby ng Kongreso­. Hindi naman siya masita ng mga security at baka makagalitan sila ni Congressman.

Akala mo ay nagmamadali si Congressman para dumalo sa session. ’Yun pala ay hindi naman nagpupunta sa session hall dahil parating short sleeves na barong ang suot. Hindi siya papapasukin sa session hall dahil ang official attire ng mga kongresista ay long sleeves na barong.

Ayon pa sa aking bubwit, ipinaparada ni Congressman ang kanyang Porsche sa parking space ng Deputy Speakers­ at iniiwanan doon ng dalawang araw.

Minsan daw kasi ay parang bangag si Congressman kaya nakakalimutan na may dala pala siyang kotse at nagpapasundo na lamang sa kanyang driver.

Ang congressman na ginagawang race track ang Batasan Complex gamit ang kanyang Porsche ay si Congressman...

Siya ay bihirang makita sa Kongreso dahil madalas umabsent. Siya ay sikat dahil may asawang magandang artista. Siya ay  taga-Visayas. Siya ay si Congressman L. as in Landlord.

vuukle comment

AYON

BATASAN COMPLEX

BATASANG PAMBANSA

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN L

DEPUTY SPEAKERS

EPHRAIM FAJUTAGANA JR.

PORSCHE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with