^

PSN Opinyon

Tsikboy na congressman, pwede sa tsiks, pwede sa boy

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang tsikboy pala ang isang congressman na meron nang asawa?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mrs. Dory Padamada, Maricel Capili, Marita Huang, Mario Martinez at Boy Catipay.

Alam n’yo bang nakadalawang asawa na itong si Mr. Congressman pero naghahanap pa rin ng pagmamahal ng kanyang kapwa lalaki? Lumala yata ang pagiging tsikboy ni congressman dahil sa panonood ng teleseryeng ‘‘My husband’s lover.’’

Kaya babala sa mga lalaking hindi pa matiyak ang tunay na kasarian, huwag panonoorin ang teleserye sa GMA-7 baka tuluyan na rin kayong bumigay tulad ni Congressman.

Ayon sa aking bubwit, hindi aakalain na mi-yembro ng Federacion si Congressman. Kung ti-tingnan kasi si Congressman ay napakamatipuno ang katawan. Bato-bato ang katawan ni Congressman, pang-Mr. Universe pero dapat pala ay pang-Bb. Pilipinas ang kanyang sasalihan.

 Ayon sa aking bubwit, maganda ang pa-ngalawang misis ni Congressman kaya lang hin­di yata nito maibigay ang tunay na kaligayahan ni Sir. Kaya ang nangyayari, kumukuha ng toy boys si Congressman. Kapag ganado raw si Congressman ay kumukuha ng dalawang matitipunong lalaki. Wow katakut-takot sigurong fencing yan pre.

Para hindi masyadong buking, pinapauna ni Congressman ang kanyang toyboys sa isang condo sa EDSA at saka na lamang siya susunod makalipas ang 30 minutos.

Ayon pa sa aking bubwit, may duda na rin pala ang ilang kongresistang kaibigan ni Congressman dahil kapag sila ay natabihan at nagkukuwentuhan, ito pala ay nanghihipo ng hita.

Ang kongresistang tsikboy, pwede sa babae at pwede rin sa lalaki ay walang iba kundi si congressman… Bisaya man ito Dodong. Cebuano man gid.

Siya ay si Congressman M. as in Matipunong bading.

 

vuukle comment

AYON

BOY CATIPAY

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN M

MARICEL CAPILI

MARIO MARTINEZ

MARITA HUANG

MR. CONGRESSMAN

MR. UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with