^

PSN Opinyon

Ang bayan ng Obando

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MINSAN, kung pag-asenso ang inaasam, kailangang sumubok ng isang baguhan. Ganyan siguro ang nasa isip ng mga  kababayan natin diyan sa Obando, Bulacan nang ihalal nilang alkalde ang bagitong si  Mayor-elect Edwin Santos. Bagito sa larangan ng pulitika pero di matatawaran ang kakayahan sa pamamahala.

Battle-cry ni Santos “Serbisyo, hindi pulitika”. Siyempre, may kasabihang ang pagsubok sa pagkain ay ang pagtikim. Maghihintay pa ang mga kababayan natin sa Obando na makaupo si Santos para makilatis ang kanyang kakayahan at sinseridad sa kanyang adhikain.

Ayon kay Santos, napilitan siyang tumakbo sa pagka-alkalde ng Obando dahil ibig niyang maibalik ang ka­ayusan at kagandahan ng lugar na kilala sa fertility dance rites, o pagsasayaw sa isang ritwal ng mga nais magkaroon ng anak. 

“Naaawa na ako sa Obando, sobrang kawawa na ang mga kababayan ko,” aniya.

Sa pag-upo niya sa Hulyo 1 bilang bagong ama ng Obando,  puspusan ang planong rehabilitasyon ni Santos para sa buong bayan.  

Ayon kay Santos, “Uunahin nating ayusin ang drai-nage system.  Nakita niyo naman ang mga kanal namin dito sa Obando halos kapantay ng kalsada kaya mabilis ang pagtaas ng baha.  Maglalagay din tayo ng pumping station upang kapag maulan o high tide, ang tubig ay mabilis na mababalik sa lawa at maiiwasan ang malalim na pagbaha tulad ng nangyari noong Habagat. Aayusin din muna natin ang pilapil na pangharang sa tubig-lawa habang wala pa tayong dike. ”

Bukod sa problema sa baha,  aaksyunan din daw ni Santos agad ang mga sira-sirang kalsada at magpapatayo ng ospital na magse-serbisyo ng 24 oras sa mga taga-Obando. 

Sa ngayon,  ang Obando ay walang sariling paga­mutan at kulang na kulang din sa paaralan. Tiniyak din ni Santos na hahabulin niya ang lahat ng taong nag­samantala sa Obando, Bulacan na naging dahilan upang malugmok umano ang buong bayan sa kahirapan.

Ang masasabi ko naman, isulong mo ang mabu­ting adhikain Mayor at harinawang huwag kang lamu­nin ng bulok na sistema.

 

vuukle comment

AAYUSIN

AYON

BAGITO

BULACAN

EDWIN SANTOS

OBANDO

SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with