^

PSN Opinyon

Sobra na, tama na

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - The Philippine Star

ISA pang inosenteng buhay ang sinakripisyo sa altar ng kapatiran nang masawi si Andrei Marcos sa kamay ng kanyang mga “kapatid” sa fraternity. Wala pa mang 6 months mula nang mamatay si Marvin Reglos na estud-yante rin ng San Beda College of Law ay heto na naman itong napakasakit na paalala na kulang pa rin ang pagpatupad ng batas laban sa hazing upang maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay.

Ang Anti-Hazing Law o Republic Act No. 8049 ay ipinasa matapos ang malungkot na karanasan ng lipunan sa kaso ni Lenny Villa at ng mga kasabayan nitong biktima ng fraternity hazing. Maraming pagbabago sa rehimen ng batas ang ipinasok ng Anti-Hazing Law na inakalang ikatatakot ng mga fraternity. Ano man ang depensa o paliwanag, maging ang pagturo ng daliri sa mismong mga biktima na piniling magpasailalim sa ganitong pagsubok, hindi pa rin maikakaila na krimen at labag sa batas ang pagpatay at pananakit sa kapwa, lalo na sa ganitong sitwasyon na ang mga biktima ay walang proteksyon at walang kalaban-laban.

Malinaw sa ating mga mambabatas at pinuno ng lipunan na kailangan pang susugan ang Anti-Hazing Law upang ang mas mabigat ng parusa ay tunay na katakutan. Para kay Senador Tito Sotto, huwag lang limitahan ang parusang panghabambuhay na kulong sa sitwasyong may napatay sa hazing. Basta napatunayang nagkaroon ng hazing, anuman ang pinsala sa biktima, ay agad na patawan ng life imprisonment. Para kay Sec. Leila de Lima, awtomatikong parusahan din ang tumatayong head ng fraternity kapag may ganitong pangyayari. Mismong ang Supreme Court naman ang nagpanukala na kapag may lasing na sumali o mga alumni, ituring ito agad na aggravating circumstance na lalong magpapabigat sa parusa.

Bakit nga ba hindi na lang ipagbawal ang hazing imbes na regulasyon lang nito ang gawin gaya ng pinapayagan ng Anti Hazing Law?

Ang aming samahan na Philippine Association of Law Schools (PALS) ay agad na ring kumilos upang makiisa sa mga hakbang na mahinto ang hazing.

Niresolbahan ng PALS na walang myembro nito ang tatanggap ng mga transfer students na sinipa sa kanilang mga law school dahil sa pagkasangkot sa ha-zing.

vuukle comment

ANDREI MARCOS

ANG ANTI-HAZING LAW

ANTI HAZING LAW

ANTI-HAZING LAW

HAZING

LAW

LENNY VILLA

MARVIN REGLOS

PHILIPPINE ASSOCIATION OF LAW SCHOOLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with