Tinukso dahil maliit ang pagkalalaki
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong () - December 3, 2009 - 12:00am

Dok, ano ba ang normal na haba ng ari ng lalake? Niloloko ako ng kaibigan ko dahil maliit daw yung akin. Josh

Josh, walang kaugnayan ang haba ng ari sa galing mo sa pagtatalik. Ayon nga kay Dr. Philip Cruz, “Hindi iyung haba ng lapis mo ang importante. Ang mahalaga ay kung paano mo ito sinusulat.”

Ayon sa mga doktor, ang haba na 3 pulgada (inches) ay sapat na para sa sex. Mayroon isang pasyente na    1.5 inches lang ang haba ng ari pero kaya niya mag­paligaya ng babae. Isa pang dapat tandaan Josh, ang naka-relax na ari ay sadyang maikli at malambot. Ang tunay na sukat ng haba ng ari ay kapag tumigas na ito.

Dok, paano ko mapasasaya ang aking nobya? — Ronnie

Ayon sa mga psychologists, iba ang hinahanap ng babae kumpara sa lalaki. Para sa mga kababaihan, ang pagmamahalan ay hindi lang tungkol sa sex. Sa mga babae, mas mahalaga ang emosyon at pagkarinyo. Gus­ to nila lagi na may sorpresang regalo tulad ng bulaklak, tsokolate, at mga text na “I love you”. Huwag din natin ka­ka­ligtaan ang mga birthday at anniversary. Kapag nalimutan mo ito ay siguradong lagot ka!

Paano naman ang mga lalaki? Ano ang nagpapasaya sa kalalakihan? Ayon sa mga eksperto, simple lang ang hilig ng lalake. Gulatin mo si Mister sa pagsuot ng mga maiikling damit o nighties. Siguradong patok iyan at magiging masaya sila.

Ang asawa ko po ay 26 ang edad. Kasal na kami ng 4 taon. Noong una, madalas kaming magtalik. Ngunit ngayon ay may 4 na buwan na kaming walang sex. Bakit po kaya? Normal ba ang walang sex? Gloria

Gloria, hindi normal sa mag-asawa ang walang sex. Kailangan ninyong dalawa na mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang problema ni Mister. Bakit ayaw na niyang ma­kipagtalik sa iyo? Baka naman lagi mo siyang sine­sermonan at kinokontra     sa usapan. O baka naman may bago na siyang kina­hihiligan. Bantayan maigi si Mister at huwag papatalo sa ibang babae. Good luck!

ANO AYON BAKIT DOK DR. PHILIP CRUZ GULATIN HABA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with