^

PSN Opinyon

Enjoy lang kahit takot sa multo at kamatayan

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Nasa sementeryo ka na ba? O nasa bahay ka pa at nanonood ng horror sa Netflix?

Aminin natin. Takot tayo. Takot sa multo. Takot sa dilim. Takot sa sementeryo. At higit sa lahat, takot sa kamatayan.

Kaya tuwing Oktubre 31, ang daming horror movie, ang daming kuwentong kababalaghan.

Pero tayong mga Pinoy, kakaiba! Ang kamatayan, gina­gawa nating fiesta! May kandila, may bulaklak, may chicken adobo pa sa ibabaw ng puntod! Nagpi-picnic pa tayo kasama ang patay!

Bakit? Kasi alam natin sa puso, hindi pa tapos ang kuwento sa kamatayan.

Ano ba ang sabi ng Biblia?

Sabi ni Hesus sa Juan 11:25-26: “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.”

Kapatid, ang kamatayan ay hindi kalaban. Hindi rin ito katapusan. Pintuan lang ito. Ang mga mahal natin sa buhay na nauna na, hindi multo - sila ay nasa yakap na ng Diyos.

Ano ba ang sabi ng Psychology?

Sabi ng mga psychologists, normal lang matakot sa kamatayan. Lahat tayo may “thanatophobia.” Pero ang takot, lumalaki kapag tinatakasan. Liliit lang ito kapag hinaharap.

Kaya imbes na takasan ang Undas, harapin natin nang may pagmamahal. Magdasal. Magsindi ng kandila. Magkuwento ng masasayang alaala ng ating mga yumao. Ang tawag dito ng psychology ay healthy grieving - ginagawa nating alaala ng pagmamahal, hindi bangungot ng takot.

Ang dapat katakutan, hindi ang patay na nang-ghosting sa’yo noon. Ang dapat katakutan ay yung buhay ka pa, pero takot ka nang mabuhay!

Kaya... Enjoy lang kahit takot sa multo at kamatayan! Magdasal ka. Magsimba ka. Yakapin mo ang pamilya mo ngayong Undas. Dahil ang tunay na hindi namamatay ay ang pagmamahal.

Panalangin sa Desperas ng Undas

Panginoon, minsan natatakot po ako sa dilim, sa multo, at sa kamatayan. Pero ngayong Undas, inaalala ko po na Ikaw ang Buhay na walang hanggan. Yakapin N’yo po ang mga mahal kong yumao na, at yakapin N’yo rin po ako sa aking takot. Gawin N’yo po akong payapa, para matuto akong mag-Enjoy Lang, kahit sa harap ng kamatayan. Amen.

KAMATAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with