^

PSN Opinyon

Maingat si Obama sa pagpili ng mga tauhan

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

SA January 20 ay manunumpa na si Barack Obama bi-lang President ng United States of America. Ang problema lamang, nagkakaproblema si Omaba kung paano mabu­buo ang kanyang Gabinete. Kapansin-pansin na mahi­nahon at dahan-dahan ang kanyang pagpili sa mga taong makakatulong niya para patakbuhin ang makapang­yarihang bansa sa mundo.

Sa paniwala ko, kaya nahihirapang buuin ni Obama ang Gabinete ay sapagkat naiisip niya ang maraming pinagkakautangan ng loob. Siyempre, maaaring may umaasa na dahil tinulungan nilang mailuklok ang Presi­dente kailangang may kapalit iyon — isang posisyon sa Gabinete halimbawa, para bayad sa utang na loob.

Sigurado ako, marami sa sumuporta kay Obama ay mga maiimpluwensiya at makapangyarihan at nagha­hangad sila ng kapalit sa kanilang naging tulong. Sigurado akong ang ilan sa kanila ay nangangati ang katawan na humawak ng malaking posisyon sa administrasyon ni Obama.

Sa ngayon, wala pa akong napapansin na garapalang appointment. Ang naririnig ko lang may mga tauhan si dating President Bill Clinton na nabigyan na ng posisyon sa bagong administrasyon. Malakas naman ang balitang itatalaga ni Obama si Sen. Hillary Clinton bilang Secretary of State.

Wala namang masama kung ipuwesto ni Obama si Hillary. Qualified ang babaing ito at makakatulong sa bansa.

Iniurong naman ni Obama ang appointment ni New Mexico Gov. Richardson bilang Secretary of Commerce. May kaso si Richard­son na dapat munang linisin. Isa si Richard­- son sa tumulong kay Obama.

Maingat at matalino si Obama sa pagpili    ng mga tauhan. Ganito sana ang pagpiling gawin ng susunod na Presidente ng Pilipinas 2010. Hindi yung gara­palan ang pagpili sa mga opisyal na haha­wak ng posisyon. Hin­ di ‘yung kaya pinili ay dahil malapit sa kanya o kaya ay nireko­men­da ng kanyang kai­bi­gan at mga kautu­tang-dila. Kahit hindi kuwali­pika­do at wa­lang alam sa trabaho ay naka­ka­pa­sok dahil sa pakiu-sap.

Hindi sana ganito ang maganap sa susu­nod na adminis­trasyon.

vuukle comment

GABINETE

HILLARY CLINTON

NEW MEXICO GOV

OBAMA

PRESIDENT BILL CLINTON

SECRETARY OF COMMERCE

SECRETARY OF STATE

SHY

SIGURADO

UNITED STATES OF AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with