PRO6, aktibo sa laban sa sumisira ng kalikasan!
SA loob lamang ng 24 oras, inaresto ng PRO6 ang 38 katao at nakumpiska ang P580,000 halaga ng gamit sa ilegal na pangingisda at mga produktong gubat sa isinagawang 32 operasyon sa buong Western Visayas. Ipinapakita ng mga resultang ito ang pinaigting na kampanya ng PRO6 laban sa mga ilegal na gawaing nagbabanta sa likas na yaman, kabuhayan ng mga mamamayan, at pangmatagalang seguridad ng mga komunidad. Binigyang-diin ni PRO6 director Gen Randulf Tuaño na ang kampanya laban sa ilegal na pangingisda at pagtotroso ay hindi lamang usapin ng pagpapatupad ng batas, kundi isang mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang likas na yaman at maprotektahan ang kabuhayan ng mga mamamayan.“Hindi natin hahayaang sirain ng ilegal na gawain ng iilan ang likas na yamang pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga mamamayan,” ani Tuaño. “ Ang bawat ilegal na kagamitan sa pangingisda na ating nasasamsam at bawat produktong gubat na naililigtas ay bahagi ng ating pagsisikap na protektahan ang kalikasan at tiyaking may mapapakinabangan pang likas na yaman ang susunod na henerasyon,” ang pahayag ni Tuaño. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Batay sa PRO6 dashboard, nanguna ang Antique PPO sa kampanya laban sa illegal fishing na may limang operasyon, kung saan limang indibidwal ang naaresto at P204,455.00 halaga ng mga isda at kagamitan ang nasamsam. Sumunod ang Capiz PPO na may apat na operasyon at 17 indibidwal ang inaresto at nasamsam ang P291,000.00 halaga ng mga isda at kagamitan. Samantala, isang operasyon ang isinagawa ng Aklan PPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibidwal at pagkakasamsam ng P22,200.00 halaga ng mga kagamitan. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sa kampanya naman laban sa ilegal na pagtotroso, nanguna ang Antique PPO na may 11, kung saan walong indibidwal ang naaresto at P19,270 halaga ng mga produktong gubat ang nasamsam.Sumunod ang Aklan PPO na may walong operasyon, limang naaresto, at P34,270.00 halaga ng mga produktong gubat na nakumpiska. Ang Guimaras PPO ay may dalawang operasyon at nakumpiska ang P3,500 halaga ng mga produktong gubat, habang isang operasyon naman ang isinagawa ng Iloilo PPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal at pagkakasamsam ng P14,000.00 halaga ng mga produktong gubat. DIpugaaaaa!
Ayon kay Tuaño, hindi lamang kriminal ang kanilang tinutugis kundi pati yaong mga sumisira sa kalikasan at kumikitil sa kabuhayan ng komunidad. Abangan!
- Latest















