^

PSN Opinyon

Kapangyarihang bumisita at mag-inspeksiyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

DAHIL sa reklamong natanggap mula sa 21 guwardiya ng EBVSAI, gumawa ng imbestigasyon ang Regional Office ng Department of Labor (DOLE-RO). Nag-inspek­siyon sa lugar na ginuguwardiyahan ng mga security guards at napag-alaman ang mga sumusunod na paglabag ng kompanya 1) hindi nagpapakita ng mga record, 2) hindi nagbabayad ng holiday pay, 3) hindi nagba­bayad ng rest day premium, 4) hindi nagbabayad ng tamang night shift differential pay, 5) hindi nagbabayad ng service incentive leave, 6) hindi nagbabayad ng tamang 13th month pay, 7) kakulangan ng medical report, 8) walang taunang accidental report, 9) walang safety committee at 10) walang bihasang first aider.

Nang araw ding iyon, naglabas ng notice of hearing ang opisina. Hinihingan ng paliwanag ang EBVSAI. Nagta­laga na rin ng apat na petsa para sa paglilitis ngunit hindi naman nagpakita ng ebidensiya ang kompanya upang maitama ang resulta ng imbestigasyon. Kaya naman inutusan ng DOLE-RO ang EBVSAI upang bayaran ang kakulangan sa mga guwardiya na umabot din sa P763,997.85. Kailangan itong bayaran sa loob ng 10 araw kung hindi ay ang ahensiya na mismo ang kikilos upang ipatupad ito.

Umangal ang EBVSAI. Nakiusap ang kompanya sa DOLE na baguhin ang naging desisyon. Di-umano, ayon sa batas (Art. 129 & 217[6] Labor Code) hindi saklaw ng kapang­yarihan ng ahensiya ang mga reklamo tungkol sa pera (money claim) na hindi lalampas ng P5,000. Dagdag pa ng kompanya, dapat na inilipat na lamang ng ahensiya ang usapin sa Labor Arbiter.  Binalewala ang mosyon ng EBVSAI dahil kinumpirma pa mismo ng secretary ng DOLE ang nasabing utos. Tama ba ang Kalihim?

Tama. Hindi man na­banggit sa nasabing batas (Art. 129 & 217 Labor Code) ang tungkol sa kapangyarihan ng Kalihim at ng kanyang mga kina­tawan upang bumisita at magpatupad ng batas na ginawa para pangalagaan ang mga manggagawa, nananatili pa rin ang ka­pangyari­hang nabanggit lalo at tungkol sa kasong may kina­laman sa ugna­yan ng mga empleyado at ng kanilang mga amo.  May kapangyarihan ang ka­lihim o di kaya ay ang kanyang mga kinatawan upang maglabas ng mga kautu­san o ang tinatawag nating “compliance orders”. Ang mga kautu­sang ito ay base na rin sa naging resulta ng mga imbestigasyong gi­nawa. Ang kapangyarihan ng DOLE-RO ay nama­ma­yani kahit pa nga lam­pas P5,000 ang hinihingi ng taong sangkot.

Upang makawala sa kapangyarihan ng DOLE-RO o di kaya naman ay sa mga kinatawan nito, dapat na 1) kinuwestiyon ng nag­papatrabaho ang naging resulta ng imbesti­gasyon at naghain ng mga rekla­mo o isyu ukol dito, 2) sa pag­sagot sa nasabing isyu, kaila­ngang suriing mabuti ang mga ebiden­siya at 3) ang mga usaping ito ay hindi basta-basta malu­lutas sa pamama­gitan ng pangka­ra­niwang inspek­syon o imbestigasyon. Dapat na ungkatin ito ng nagpapa­trabaho habang nililitis ang kaso o di kaya ay matapos matanggap ang resulta ng inspeksyon.

Sa kasong ito, hindi kinuwestiyon ng EBVSAI ang naging resulta ng imbestigasyon kahit pa nga nakatanggap na ang kom­panya ng resulta nito. Nang utusan na ang kompanya na magbayad ay saka pa lamang ito nagtanong. Dagdag pa rito, ang mga ebiden­siyang nakalap mula sa EBVSAI ay ma­daling kumpirmahin dahil ang mga dokumento at record na dapat nilang pangha­wakan ay nasa lugar kung saan naka­talaga ang mga guwardiya (Ex-Bataan Veterans Secu­rity Agency Inc. vs. Sec­re­tary of Labor et.al., GR 152396, November 20, 2007).

vuukle comment

AGENCY INC

DAGDAG

DEPARTMENT OF LABOR

EBVSAI

EX-BATAAN VETERANS SECU

LABOR CODE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with