^

PSN Opinyon

Ex-mayor sa Metro Manila binuntis ang maid inanakan ng 2

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang binuntis ng isang dating mayor ang kanyang maid?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Atty. Biyong Garing, Judge Eutiquio Quitain, BIR Dir. Anthony Alden Aguilar, Glenn Dy ng MBC; Sis. Orpha Fabian at Bro. Arnel Cantos ng Noli Me Tangere Lodge.
* * *
Alam n’yo bang super tulis at walang patawad ang isang dating mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, matanda na ang naturang pulitiko subalit napakahilig pa rin sa chiching.

Mantakin n’yo pati maid niya ay pinatos. Binuntis at inanakan niya ng dalawa.

May edad na rin ang misis ni Ex-mayor kaya siguro naghahanap ng kaligayahan sa ibang babae.

Menopause na ba si Misis, Mayor?

Hanep ka naman Ex-mayor, pati maid pinatos mo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, talagang naiiba rin si Ex-mayor sa panliligaw sa mga nakukursunadahang chiching.

Kahit may asawa na ang babae, kapag natipuhan ay hindi nito tinatantanan hangga’t hindi napapabagsak ang "Bataan".

Mantakin n’yo naman kasi ang mga iniaalok ni Ex-mayor sa mga chiching. Nag-aalok ng monthly alimony at meron pang house and lot. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon ay meron ding pumapayag. Katulad na lamang ng kanyang katulong na binuntis at inanakan ng dalawa.

Kaya lang ay talagang walang patawad si Ex-mayor. Pati ang kanyang sariling hipag ay gusto pang patusin.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, iresponsable kasi ang mister ng kanyang hipag.

Sinabihan ni Ex-mayor ang hipag na makipaghiwalay na lamang ito at siya na ang bahala sa kanya. Bibigyan niya ng suportang pinansyal at bibigyan pa ng bahay at lupa.

Kaya lang, hanggang sa ngayon ay hindi pa bumibigay ang hipag sa kanyang indecent proposal.

Ang bumigay kay Ex-mayor ay ang misis ng kanyang foreman. Maganda kasi ang misis ng foreman.

Dahil sa pangakong monthly alimony at house and lot, ang misis ng foreman ay nakipaghiwalay at iginarahe siya ng matulis na Ex-mayor.

Ayon sa aking bubuwit, ang ex-mayor sa Metro Manila na nambuntis ng kanyang katulong at nang-ahas sa misis ng kanyang foreman, subalit nabigo sa kanyang hipag ay si… Siya ay doktor at dating mayor sa Metro Manila. Siya ay si Ex-Mayor P. as in Playboy.

vuukle comment

ANTHONY ALDEN AGUILAR

ARNEL CANTOS

AYON

BIYONG GARING

EX-MAYOR P

GLENN DY

KANYANG

MAYOR

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with