^

PSN Opinyon

Ilang night club sa QC may torohan

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang laganap na naman ang mga malalaswang palabas sa ilang night club sa Quezon City?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rey Sibayan ng DZRH; Jun Soller, Bro. Ed Lasam ng PNB-Alabang; Tess Solomon, Army TSgt. Mar Baccay, Sis. Arlene Vano at Bro. Conrad Ilumba.
* * *
Alam n’yo bang bumabalik na naman ang mga malalaswang palabas sa ilang night club sa Quezon City?

At alam n’yo rin bang ginagawa na ring motel ang mga tinaguriang VIP rooms ng mga nasabing night club?

Ayon sa aking bubuwit, bukod sa pagsasayaw ng hubo’t hubad ng mga batambatang GRO ay meron pa silang kakaibang pagtatanghal.

Sa gitna mismo ng kanilang stage ay meron na ring live show ng pagtatalik.

Sila ay merong "in house" na mga performer. Ito ay yung regular staff nilang walang ginawa kundi ang makipagtalik sa kanilang GRO sa harap ng mga manonood.

Ito yung tinatawag nilang Live Show o sa madaling salita, ito yung tinatawag na "torohan".

Meron pa silang gimik na kumukuha ng mga lalaking customer upang ito ang makipagtalik naman ng live sa kanilang GRO sa gitna ng stage.

Karamihan ay nahihiya siyempre yung mga customer, kaya lang ay meron ding malalakas ang loob na pumapayag makipag-do sa harapan ng maraming tao.

Kaya lang ay mag-ingat din kayo, baka magaya kayo sa isa kong bubuwit.

Niyaya siya ng GRO na makipag-do sa stage. Nang nasa actual nang nakikipag-do sa GRO, biglang pina-ilaw ang spot light sa kanilang dalawa.

Diyos ko po. Biglang nawala ang pagkalasing ng aking bubuwit. Biglang nanlambot ang kanyang barangay chairman.

Sa halip na takpan ang kanyang pagka-lalaki ay yung mukha niya ang tinakpan.

Patay kang bata ka!
* * *
Ayon pa sa aking bubuwit, ang isa pang pang-akit ng mga night club na ito sa mga customer ay ang pagromansa naman ng mga GRO sa kanilang customer.

Ang mga malalakas ang loob na barako ay pinaaakyat din sa stage. Doon ay sasayawan ng GRO at niroromansa. At ang pinaka-finale ay bubuksan ang zipper ng pantalon ng customer at saka lalaruin.

At kapag nag-land of the morning si "barangay chairman", isusubo ng GRO.

Ayon sa aking bubuwit, naawa siya sa mga GRO sapagkat karamihan sa mga iito ay mga dalagita pa.
* * *
Ang ilang club na nagtatanghal na naman ng mga malalaswang palabas ay ang Bangbang Alley, Bartolina, Idol at ang Takuza Night Club sa Cubao, Quezon City.

vuukle comment

ARLENE VANO

AYON

BANGBANG ALLEY

BIGLANG

CONRAD ILUMBA

ED LASAM

GRO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with