^

PSN Opinyon

Cabinet undersecretary binuntis ang kanyang sekretarya

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang binuntis ng isang Cabinet undersecretary ang kanyang dalagang sekretarya?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Rey Cadiz, Valeriano Lim, Luis Villamor, Fidela Abay-Abay, Fatima Arias, Johnny Hernandez at Jun Echiverri.
* * *
Alam n’yo bang may illicit love affair pala ang Cabinet undersecretary at kanyang dalagang sekretarya?

Ayon sa aking bubuwit, kahit may boyfriend na ang nasabing sekretarya, sinulot pa rin ni Usec.

At ang naturang sekretarya ay bumigay naman. Mukhang nadale sa sobrang ka-o-overtime sa Malacañang.

Ang tindi mo naman Usec. Ilang buwan na ba ’yan?

Panagutan mo ’yan! Huwag mong pababayaan ang produkto ng inyong illicit affair.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, para pala ma-corner ni Usec ang kanyang sekretarya ay pinag-o-overtime nang madalas.

Dahil sa kao-overtime ng sekretarya, naging dahilan ito tuloy ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

At nu’ng maghiwalay sila, dito naman nagkaroon ng pagkakataon si Usec.

Sa matinding panunuyo ay bumigay ang sekretarya. At nang bumigay, lalong naging madalas ang overtime.

Yung overtime ay inaabot pa ng gabi sapagkat iba na pala ang tinatrabaho ng dalawa. Gumagawa na ng bata. In short, yung opisina nila sa Malacañang ay ginawang motel.

Mabuti at hindi kayo natiyempuhan ng mga nagrorondang guwardiya diyan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet undersecretary na binuntis ang kanyang dalagang sekretarya ay si…

Siya ay dating ordinaryong empleado lamang noong panahon ni dating President Erap Estrada.

Subalit dahil magaling magsipsip sa kanyang mga bossing, naging Assistant secretary hanggang sa maging Undersecretary.

Ang Cabinet Undersecretary na binuntis ang kanyang sekretarya ay si…

Ang opisina nila ay isang departamento na nasa park. Siya ay si Undersecretary B. as in Babaero.

vuukle comment

ANG CABINET UNDERSECRETARY

AYON

FATIMA ARIAS

FIDELA ABAY-ABAY

JOHNNY HERNANDEZ

JUN ECHIVERRI

KANYANG

SEKRETARYA

USEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with