^

PSN Opinyon

"Aksyon ng PAGCOR..."

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ILANG ULIT KO RING BINATIKOS ANG PAGCOR DAHIL SA KANILANG SYSTEMA NG PALARO SA BASKETBALL ENDING NG MGA LARO NG UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION of the PHILIPPINES (UAAP) AT NG NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA).

Nakatanggap din tayo ng napakaraming reactions at comments galing sa inyo, mga tagasubaybay ng "Calvento Files." Meron mga nagpakilalang pari, meron din mga miembro daw ng cause oriented group na sinasabing nakikiisa sila sa aking ginagawang pagpuna.

Nais ko lamang ipaabot sa inyo na kumilos ang Pagcor!

No fanfares, no grandstanding, no fireworks. Pure and honest effort on their part. Something which I must say is indeed commendable.

Nang buksan ko ang website ng Pagcor sa internet, ang address ay http;//www.pagcor.com, nakita ko na wala na ang nakabungad na Basketball jackpot ending. Wala ng advertisement ng WIN MILLIONS OF PESOS BY WATCHING YOUR FAVORITE UAAP AND NCAA TEAMS..." na nakalay-out pa ang isang basketball ring na may net at ang logo ng Pagcor. Bisitahin niyo ang website ng Pagcor para malaman din niyo.

Wala na rin yung pang-aagaw ng cybertime and space kung saan habang nagbubukas ang ating mga anak ng email o gusto nilang magsurf sa internet, o magresearch ng kanilang aralin, tatambad ang kanilang advertisement para mang enganyo ng kabataan na magsugal o pumusta sa basketball ending. Tinago na nila?

Hindi ko sinasabi na dahil sa ating pagpuna sa mga artikulong ating isinulat ay ginawa nila ito. Marahil ang kanilang paraan to subtly tell me, that the message has been noted and acted upon was when they featured an article "Basketball Ending (isa pa nga...) sa kanilang webpage at may link pa sa Philstar site na isinulat natin dito sa ating column. What more can one ask? The biggest compliment that a writer can receive is to know that he is being read. Read and heard we were.

Mga kaibigan, ang layunin natin ay punahin kung sa palagay natin meron tayong nakikitang hindi tama. Yun lang at wala ng iba. Minsan napatunayan ito ng sama-sama nating binatikos ang isang advertisement na baboy, kung saan nilalawayan ng isang kabataan ang sandwich na inalok sa kanyang kaibigan. Pinull-out ng advertising outfit ang ad na ito, marahil dahil na rin sa utos ng may-ari ng kumpanya.

Ang Pagcor ay isang napakalaking kumpanya na government owned and controlled corporation. The choice was theirs kung kikilos sila sa mga punang isinulat natin o di na lang ito papansinin. Again, to their credit, naging decisive ang kanilang move. Positive ang kanilang reaction.

By the mere act of posting an article from this corner and this daily right smack on their website is an indication na hindi sila pikon at handa silang tumanggap ng constructive criticism.

Hindi rin mapagkakaila na maraming natutulungan ang Pagcor lalo na ang mga mahihirap nating kababayan. Bagamat maraming moralists ang hindi sila pabor sa ganitong uri ng tulong (galing sa sugal) hindi ako isang hypocrite upang manghusga o itanggi ang kanilang mga nagagawa.

Umalma lamang ako nang nakatanggap ako ng reklamo sa ilang mga magulang at mismong aking mga anak na rin ang nagsabi kung ano ang nangyayari sa internet tuwing magla-log on sila. Wala na ngayong ganito. Saan napunta ang Basketball Ending Jackpot? Ewan ko, wala na akong pakialam pa dun. Mahirap ng hanapin at isang subsob sa sugal lamang ang hahanap pa nito.

Sa pagkakataong ito, nais kong pasalamatan ang isang tao.

Isang Pagcor official na parating nasa "behind the scene" lamang.

Salamat sa iyong pang-uunawa sa gitna ng init ng isyung ito. Isang kaibigan (kaibigan ka pa ba Gryk?) na nagsawalang kibo lamang at hinayaan tayong sabihin ang gusto natin. I know that deep inside, you understood what I was doing despite your unquestionable loyalty to Chairman Genuino and Pagcor. Despite my going overboard in some instances.

Salamat din sa lahat ng inyong mga encouraging messages asking me to continue with what I was doing. To Miguel Belmonte for his unwavering support and standing by what I was writing about.

Hindi nanalo o natalo ang kahit na sino. Ang panalo ay ang mga taong naniniwala sa katotohanan.

Ngayon, nasa atin ang responsibilidad na gawin ang ating tungkulin bilang isang magulang kung ayaw natin silang malulong sa bisyo na sugal.

Most of the time, it is in the choices that we make in our lives that spells the difference.....

PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAARI KAYONG TUMAWAG SA 7788442. MAARI DIN KAYONG MAG-TEXT SA 09213263166.

vuukle comment

ANG PAGCOR

BASKETBALL ENDING

BASKETBALL ENDING JACKPOT

CALVENTO FILES

CHAIRMAN GENUINO AND PAGCOR

ISANG

KANILANG

PAGCOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with