Dapat sawayin ni Bro. Eddie ang kanyang spokesman
- Al G. Pedroche () - February 28, 2004 - 12:00am
NAPABALITA sa page 5 ng Philippine Star (Feb. 26 issue) na pinagsabihan diumano ni presidential aspirant Eddie Villanueva ang kanyang katunggaling si Eddie Gil na huwag nang sumali sa presidential debate para huwag mapahiya. Hindi si Bro. Eddie mismo ang nagsalita kundi ang kanyang spokesman na si Atty. Luis Sison. But whenever a spokesman speaks, the statement is always attributed to the person he speaks for.

Sinabi diumano ni Sison na wala nang kredibilidad si Gil dahil ipinangangalandakang siya’y bilyonaryo pero hindi makapagbayad ng utang sa hotel. Ang ganyang mga pahayag ay hindi compatible sa personalidad ni Bro. Eddie na nagtataguyod ng bagong pulitika. Pulitikang hindi naninira sa kalaban kundi nagpapakita ng better alternative sa taumbayan. Ang ano mang kapintasan o palpak na ginawa ng kampo ni Gil ay lantad na sa publiko. Kung ito’y tutuligsain pa ng ibang presidential candidate, lalabas itong nagti-take advantage sa issue para magkaroon ng mileage.

Ano namang mileage ang makukuha mo mula sa isang kandidatong kulelat sa survey tulad ni Gil? It’s like flogging a dead horse.Totoong batay sa survey, pangalawa sa kulelat si Bro Eddie. Pero kung minsan, hindi accurate ang survey dahil mayroon na siyang napatunayang di birong puwersa nang magdaos ng rally sa Luneta nung Linggo na dinaluhan ng halos 3 milyong supporters. Kahit yung mga kandidatong nangunguna sa survey ay hindi pa nakakahatak ng ganyan karaming attenders sa isang rally.

Ipokrito ang presidential candidate na magsasabing bale-wala ang ipinakitang lakas ni Bro. Eddie.

Sana’y maging maingat si Atorni sa pagbibitaw ng mga pahayag na maaaring makasira imbes na makatulong sa kandidatura ng una. At harinawang huwag ikagalit ng taumbayan ang naturang pahayag porke hindi naman si Bro. Eddie ang nagsalita.

ANO ATORNI BRO EDDIE EDDIE EDDIE GIL EDDIE VILLANUEVA GIL LUIS SISON PHILIPPINE STAR
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with