^

PSN Opinyon

Pananalig-pakikipagharap

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KARAMIHAN sa mga Pilipino ay mga mananampalataya ni Jesus. Bininyagan tayo nang mga sanggol pa. Natanggap natin ang kaalaman tungkol sa ating pananampalataya mula sa ating mga magulang. Subalit bawat isa sa atin ay nagkaroon ng personal na pagkakataon makaniig si Jesus at ipahayag ang ating paniniwala sa kanya. Ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya.

Sa Ebanghelyo ngayong araw na ito mula kay Juan, mayroong kuwento kung paanong ang isang Samaritana ay naratnan ang kanyang pananalig kay Jesus at kung paanong ang ibang mga Samaritano ay naniwala kay Jesus (Jn. 4:5-26; 39-42).

‘‘Dumating siya sa isang bayan doon, na tinatawag na Sicar, malapit sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Umupo si Jesus sa tabi nito, sapagkat siya’y napagod sa paglalakbay. Halos katanghaliang-tapat na noon.

‘‘May isang Samaritanang dumating upang umigib. Sinabi sa kanya ni Jesus, ‘‘Maaari bang makiinom?’’ (Wala noon ang kanyang mga alagad sapagkat bumili ng pagkain sa bayan). Sinabi sa kanya ng Samaritana, ‘Kayo’y Judio at Samaritana ako! Bakit kayo humihingi sa akin ng inumin?’’ (Sapagkat hindi nakikitungo ang mga Judio sa mga Samaritano). Sumagot si Jesus, ‘Kung alam lamang ninyo kung ano ang ipinagkaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa inyo ng inumin, marahil ay kayo ang hihingi sa kanya at kayo nama’y bibigyan niya ng tubig na nagbibigay-buhay.’ ‘Ginoo,’ wika ng babae, ‘malalim ang balong ito at wala man lamang kayong panalok. Saan kayo kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay? Higit pa ba kayo kaysa aming ninunong si Jacob, nagbigay sa amin ng balong ito? Umiinom siya rito, pati ang kanyang mga anak at ang kanyang mga hayop.’ Sumagot si Jesus, ‘Ang umiinom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.’ Sinabi ng babae, ‘Ginoo, kung gayon po’y bigyan ninyo ako ng tubig na sinasabi ninyo, nang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok.’ ‘Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa,’ wika ni Jesus. ‘Wala po akong asawa,’ anang babae, ‘Tama ang sinabi mong wala kang asawa,’ tugon ni Jesus. ‘Sapagkat lima na ang iyong naging asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo ang sinabi mo.’ Sinabi ng babae, ‘Ginoo, sa wari ko’y propeta kayo. Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga magulang, ngunit sinasabi ninyong mga Judio, na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.’’ Tinugon siya ni Jesus, ‘Maniwala ka sa akin, Ginang, dumarating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama, hindi lamang sa bundok na ito sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang inyong sinasamba, ngunit nakikilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay galing sa mga Judio.

‘‘Ngunit dumarating na ang panahon – ngayon na nga – na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.’

‘‘Sinabi ng babae, ‘Nalalaman ko pong paparito ang Mesias, ang tinatawag na Kristo. Pagparito niya, siya ang magpapahayag sa atin ng lahat ng bagay.’ ‘Akong nagsasalita sa iyo ang tinutukoy mo,’ sabi ni Jesus.

‘‘Maraming Samaritano sa bayang yaon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa patotoong itong babae, ‘Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.’ Kaya’t paglapit ng mga Samaritano kay Jesus, hiniling nila na tumigil muna siya roon; at nanatili siya roon nang dalawang araw.

‘‘At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya. Sinabi nila sa babae, ‘Nananampalataya kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin sa kanya. Nakilala naming siya nga ang Tagapagligtas ng sanlibutan.’’


Nakita n’yo ba kung paanong naniwala ang Samaritana at iba pang Samaritano kay Jesus? Kayo naman, nakipagharap na ba sa inyo si Jesus at hiniling sa inyo na maniwala sa kanya?

Muling basahin ang kuwento at pagnilayan ang inyong sarili.

vuukle comment

DIYOS

JESUS

JUDIO

KANYA

SAMARITANA

SAMARITANO

SINABI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with