^

PSN Opinyon

Pag-alala sa kadakilaan ni Jose Rizal

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay tinaguriang "the pride of the Malaysian race." Ang kanyang mga nobelang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ang nagpasiklab ng damdamin ng mga Pilipino para mag-alsa laban sa mga Spaniards. Ang "Noli" ay inilimbag sa Berlin noong Marso 1887 at ang "Fili" naman ay na-published sa Ghant, Belgium noong Setyembre 18, 1891.

Sa dalawang obra-maestra na ito ni Rizal nakilala ang ilang tauhan na sumisimbolo sa mga kababayan natin noong panahon ng mga Spaniards. Si Crisostomo Ibarra, ang pangunahing tauhan sa "Noli" ay kumakatawan sa matalinong Pilipino na mag-aaral sa Europa at pumukaw sa kaisipan at damdamin ng kanyang mga kababayan tungkol sa pagmamalabis ng mga Spaniards. Naniniwala si Ibarra na ang edukasyon ay mahalaga sa pagkakaroon ng reporma sa lipunan.

Umibig si Ibarra kay Maria Clara, isang mayuming dalagang Pilipina subalit ang pag-iibigan nila ay sinira ni Father Damaso, ang tunay palang ama ni Maria Clara at hindi si Kapitan Tiago, ang simbolo ng Pilipinong animo’y asong sunod sa anumang sabihin ng mga prayleng mapagkunwari.

Si Sisa ang sumasagisag sa Inang Bayan na naging baliw dahil sa kahirapan at pagiging api. Pinagbintangang magnanakaw ang kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin na pawang naglahong parang bula. Isang matalino at maprinsipyong tao si Kabesang Tales na namundok nang ang kanyang lupa ay kinamkam ng mga dayuhan. Rebelde rin si Elias na nagbuwis ng buhay para makatakas si Ibarra sa mga guwardiya sibil.

Ang "Fili" ay karugtong ng "Noli" kung saan nagbalik si Ibarra sa katauhan ni Simon, ang mag-aalahas na alipin ng paghihiganti. Gusto niyang maitakas si Maria Clara sa kumbento ng mga madre ngunit siya’y nabigo at natuklasan na siya pala ang namumuno ng rebelyon. Ilan pang mahahalagang tauhan ng nobela ni Rizal ay sina Juli, ang Alferez; Doña Victorina; ang mabagsik na sakristan; Padre Salve; Dr. Espadana at Paulita Gomez. Ang mga tauhang ito sa kasalukuyang panahon ay nakikita pa rin sa ilan sa atin.

Ang dalawang obra na ito ni Rizal ay nagpapagunita sa kanyang kadakilaan at pagmamahal sa ating bansa.
* * *
Binabati ko ang lahat ng isang masagana at mapayapang Bagong Taon!

vuukle comment

BAGONG TAON

DR. ESPADANA

EL FILIBUSTERISMO

FATHER DAMASO

IBARRA

MARIA CLARA

NOLI

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with