^

PSN Opinyon

Balitang SPECIAL - Gov't official 3 araw ka-date ang isang sexy actress

- Deo Macalma -
ALAM n’yo bang tatlong araw na ka-date ng isang opisyal ng pamahalaan ang isang maganda at seksing actress?

Ayon sa aking bubuwit, 68 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday kay Dep. Executive Secretary-Ernesto Martinez, at sa kanyang roommate na si Mrs. Violeta Martinez; Pagcor Chairperson Alice Reyes, Director Nita Capistrano ng Malacañang at Annie Urbano, Asst. Treasurer ng Meycauayan, Bulacan.

Binabati ko rin sina Flora Martin, Presidente ng Municipal Treasurer’s League ng Bulacan; Atty. Florendo Llameg, Len Sibulan, Hasmin Marable, Mayor Alberto Bumolo Jr. ng Kasibu, Nueva Vizcaya at mga konsehal ng nasabing bayan.
* * *
Alam n’yo bang iniregalo sa isang opisyal ng pamahalaan ang isang maganda at seksing actress?

Ayon sa naantalang report ng aking bubuwit na Torogi, three weeks ago ay nakita nila itong si Sexy actress na kasama ng isang opisyal ng pamahalaan. Sila ay nagtungo sa isang maganda at exclusive subdivision sa Baguio City. Ito ay ang compound na kinatatayuan ng Voice of America.

Ito ay nasa Loakan Road subalit sakop pa rin ng Camp John Hay Reservation.

Ang mga nakakapagpatayo lamang ng mga bahay dito ay mga sikat at mga rich. Merong bahay dito sina President Erap Estrada, House Speaker Manny Villar, Fernando Poe Jr. at Nora Aunor.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong government official at ilan niyang kaibigan ay tumira pala roon ng tatlong araw. Kumain sila ng mga masasarap na pagkain, may kasamang inuman at para malibang ay naglaro rin sila ng mahjong. Hindi lang nalaman ng aking bubuwit kung sino ang nanalo at kung magkano ang napanalunan.

Ayon sa aking bubuwit, ang mga binili nilang pagkain tulad ng lechon baboy at mga drinks ay idineliver pa ng isang helicopter. Napaka-exclusive kasi ng nasabing subdivision, parang Tagaytay Highlands na hindi puwedeng pumasok ang mga outsider.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, sa tatlong araw na pamamalagi roon ng government official ay kasama nito ang seksing actress. Ito pala ay pabaon sa nasabing official upang hindi mainip. Kung sino ang nagregalo sa kanya ay inaalam pa ng aking bubuwit.

Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na iniregalo sa government official ay bilugan ang mukha, medyo mahaba ang buhok at saka morena. Siya ay may mga litratong hubot-hubad sa beach, ala-Tetchie Agbayani, pero artistic naman. Ipinagbibili na yata ito ngayon ng P2,000 bawat kopya.

Ang nasabing sexy actress na ipinangregalo sa isang government official ay si sexy actress J. as in Just Do it.

At ang opisyal ng pamahalaan na kapiling ni sexy actress sa loob ng tatlong araw ay walang iba kundi si…

Sinong hula ninyo?

vuukle comment

ACTRESS

AKING

ANNIE URBANO

AYON

BAGUIO CITY

BUBUWIT

BULACAN

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with