^

PSN Opinyon

Ombudsman’s dismissal order vs Noveras, ire-review ng DOJ!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MALAKAS ang paniniwala nina ex-Aurora Gov. Gerardo Noveras at anak na ex-Gov. Christian Noveras na may lumigwak sa kanila para isuspendi sila ng Ombudsman. Bakit? Kasi naman, ang iba pang akusado sa kaso na illegal printing of election materials ay naabsuwelto at ang pinatawan lang ng suspension at ang mag-amang Noveras. Di ba selective justice ito? Saan ang hustisya?

Sa pagpataw ng suspension laban sa mag-amang Noveras, inamin naman ng Ombudsman na walang matibay na ebidensiya laban sa mag-ama.

“While there may be insufficient direct evidence of their agreement, their conspiracy is implied, as shown by their common objective of printing campaign tarpaulins to further the massive election propaganda of the Noveras and allies,” ayon sa Ombudsman. Hehehe! Kailangan pa bang i-me­morize ‘yan?

Para magkaroon sila ng hustisya, balak ng mag-amang Noveras na humingi ng “thorough and impartial review” sa Department of Justice sa dismissal order ng Ombudsman na may petsang Feb 21, 2024. May mga grupo kasi na humihimok sa mag-amang Noveras na i-invoke ang Executive Order No. 292, para lumitaw ang katotohanan sa kaso.

Ang EO 292 kasi mga kosa ay nagbibigay ng mando sa DOJ to “serve as the government’s prosecution arm and administer the government’s criminal system by investigating crimes, prosecuting offenders and overseeing the correc­tional system.” Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Tinitiyak ng mag-amang Noveras na may  “mole” o espiya ang kanilang mga kalaban sa pulitika sa Ombudsman na may pakana ng data breach, at mga anti-graft inquiries sa kaso na maaring na-compromised. Itong isyu na espiya sa Ombudsman ay humahatak sa DOJ para magsagawa ng kaagarang imbestigasyon maayon sa EO 292. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!

Mariing pinalagan ng mag-amang Noveras ang Ombudsman’s dismissal order sa kadahilanang; may “mole” o espiya sa loob ng ahensiya at ang complainant’s cons­piracy charge despite “insufficiency of direct evidence” against them. Itong dismissal order na may petsang Feb. 21, 2024 ay pirmado ni Ombdusman Samuel Martires, sa rekomendasyon nina Leilani Tagulao-Marquez, Graft Investigation and Prosecution Officer lll at Pilarita Lapitan, ang assistant Ombudsman. Opisyal itong nai-serve sa mga Noveras nitong Abril 5 sa pamamagitan ng kanilang abogado. Sal-it!

Iginiit ng kampo ng mga Noveras na mula Feb. 21 hanggang Abril 5 ang “mole” sa Ombudsman ay maraming oras para i-leak ang dismissal order. “But more than the leakage, the mole could have been silently working within the system, exerting undue influence on the graft probers until we blew the whistle,” ang dagdag pa nila.

Kaya nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Noveras na ihinging i-review ng DOJ ang buong kaso bunga sa ang nagreklamo ng conspiracy case ‘lacked proof to pin us down’ together with co-respondent Michael Tecuico. “It was all implied. The complainant didn’t have any proof,” anila. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with