Jake, tutok kay Ellie kesa lovelife!

Kahit 12 years nang hiwalay ang dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito ay napanatili ng dalawa ang kanilang co-parenting arrangement sa kanilang kaisa-isang anak na si Ellie who just turned 15 last Nov. 23.
Habang lumalaki si Ellie ay lalo lamang lumalabas ang ganda nito at hindi kataka-taka kung balang araw ay pasukin din nito ang showbiz na pinagmulan ng kanyang parents and grandparents at iba pang mga kaanak na nasa kaparehong industriya.
Si Ellie ay nagmula sa pamilya ng showbiz royalty. Pero umano’y priority niya sa ngayon ang pag-aaral tulad ng kanyang dad na si Jake na tinapos muna ang kolehiyo sa London and master’s degree sa Singapore bago nag-showbiz.
Kung si Andi ay may sarili nang pamilya, mukhang naka-focus ang attention ni Jake sa kanyang teenage daughter at hanggang ngayon ay wala tayong nababalitaang may girlfriend ito or the very least ay lumalabas ito on dates.
Gerald, more than a year nang single
Umabot din ng halos anim na taon ang naging relasyon ng dating magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto bago sila nagkahiwalay nung September 2025. Pero magmula nang magkahiwalay sila ni Julia ay wala pang ibang babaeng nali-link ngayon sa actor dahil ang kanyang trabaho ang kanyang priority.
Sakali man daw na magkaroon siya ng bagong mamahalin ay hindi umano niya ito itatago. But right now, ang pagkakaroon ng bagong girlfriend ay hindi umano priority sa kanya dahil sa rami ng kanyang pinagkakaabalahan ngayon.
Bukod sa huli niyang naging girlfriend na si Julia, si Gerald ay na-link din noon kina Bea Alonzo, Maja Salvador at Kim Chiu.
Ynna, ‘di gulat na si Baron ang tatay ng kapatid
Aminado ang actress at diamond specialist na si Ynna Asistio na walang nagbago sa kanilang magkakapatid nang lumabas ang balita na ang bunso nilang kapatid na si Sophia Asistio ay ang actor na si Baron Geisler.
Kung anong pagmamahal ang ibinigay nila sa kanilang bunsong kapatid noong hindi pa nila alam na si Baron ang ama nito, wala umanong nabago sa kanilang pagmamahal at suporta na ibinibigay nila kay Sophia.
In fairness sa kanilang ina na si Nadia Montenegro, pinalaki niya ang kanyang mga anak na mababait, marespeto at malapit sa Diyos sa kabila ng napakaraming kontrobersiyang pinagdaanan ng kanilang pamilya.
Followers ni Bea, may hanash pa!
Hanggang ngayon ay hindi parin maka-get over ang marami sa ating mga kababayan sa hindi pagkakasungkit ng korona ng kinatawan ng Pilipinas sa 75th Miss Universe na ginanap sa Puerto Rico.
Although pumasok si Bea Millan-Windorski sa Top 5 at nanalong 3rd runner-up, naniniwala ang mga Pinoy na dapat si Bea ang nagwaging 2026 Miss Universe dahil bukod sa ganda’t talino, napakaganda ng kanyang naging performance.
May mga nag-a-accuse pa ng hometown decision umano ang pagkakapanalo ng kinatawan ng Puerto Rico na si Jennifer Barretto dahil sila ang host country.
- Latest





















