^

Police Metro

Dalagita, gulpi sarado sa 6 kaklaseng lalaki

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtulungang gulpihin ang isang Grade 9 na babaeng estudyante ng anim ­niyang kaklase sa loob ng kanilang silid-aralan sa Malinao, Aklan noong Martes.

Sa salaysay ng biktima na alas-2:30 ng hapon nang iwan sila ng kanilang guro at bigyan ng aktibidad na magligpit sa klase.

Habang nagliligpit ay dito na umano siya simulang asarin ng anim na kaklase sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya ng mga salitang “buwaya,” “bobo,” “malandi,” at kasunod ang pagbabato ng  tsinelas.

Tinangka umano ng biktima na gumanti sa pamamagitan ng pagpulot at paghagis palabas ng tsinelas na ibinato sa kanya.

Ngunit bigla siyang dinumog at pinagtulu­ngang bugbugin ng anim na lalaking kaklase kaya’t kumuha siya ng upuan upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga ito.

Dahil sa madami ay hindi na nagawa ng biktima na makaganti sa anim na kaklase na kung saan ay nagtamo siya ng mga pasa at pananakit sa likod at ulo na nagdulot ng pagkahilo at panlalabo ng paningin.

Ayon sa biktima na hindi ito ang unang pagkakataong nakaranas siya ng bullying dahil noong Grade 8 pa lamang siya ay hinampas na rin umano siya ng upuan sa ulo na kung saan ay patuloy rin siyang umiinom ng maintenance na gamot para sa kanyang ulo.

Humihingi ng hustisya ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagpo-post ng video ng insidente at paglapit sa pulisya ng Malinao at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi naman ng DepEd Aklan na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with