Robin, ‘nakarelasyon’ si Angelina!

Nilaro ni Sen. Robin Padilla ang pagdating ng Hollywood iconic actress Angelina Jolie sa bansa.
Meron siyang inaming naging sila ng actress pero siya lang ang nakakaalam. Na ikinaaliw ng kanyang followers.
“Hindi pa lang niya nababalitaan, pero matagal na kaming nagmamahalan ni Miss Angelina Jolie sa puso ko. Salamat, mahal ko, sa pagbisita sa akin—hindi, sa ating banal na Inang Bayan! Makinig kayo, mga tol, mayaman ang ating bansa. Ang nag-iisang tunay na kalaban ay ang hindi patas na hatian ng yaman sa buong mundo,” sabi niya sa caption kalakip ang photo ni Jolie na nakaalis na sa Pilipinas matapos dumalo sa Mastercard Center for Inclusive Growth summit for ASEAN 2026.
Marami umanong magagandang sinabi si Angelina Jolie sa nasabing summit pero walang mga kuhang video
sa mismong conference.
Ang ibang dumalo na may reminder na hindi pwedeng mag-video at mag-picture tho si Karen Davila ay may mga kuha kay Angelina.
- Latest




















