^

Probinsiya

Kagawad todas sa suntok ng senglot!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Nakasalubong sa daan

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines - Patay ang isang barangay kagawad matapos suntukin ng nakasalubong na lasing habang nagpapatrolya kasama ang ilang barangay tanod sa Purok-6, Brgy. Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon kahapon ng madaling araw.

Hinihinalang ang matinding pagkabagok sa ulo nang bumagsak sa semento makaraang suntukin ng suspek ang pagkasawi ng biktima na kinilalang si kagawad Lino, 42-anyos.

Mabilis namang naaresto ng mga rumes­pondeng pulis ang salarin na si alyas “Joel,” nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.
Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, habang nagroronda ang kagawad kasama ang dalawang barangay tanod nang makasalubong nila ang suspek at dalawang kasama na hinihinalang pawang nasa impluwensya ng alak.

Tinanong umano ng biktima ang suspek kung may mga umiinom pa sa lugar. Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay biglang sinuntok ng suspek ang kagawad sanhi para bu­magsak ito at tumama ang ulo sa semento.
Mabilis na humingi ng saklolo ang mga kasamang tanod sa mga kasapi ng MDRRMO at agad isinugod ang walang malay na biktima sa Casiguran Rural Health Unit, pero idineklarang dead-on-arrival.

LINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with