^

Police Metro

Batangas shootout: 3 suspek, 1 pulis todas

Arnell Ozaeta - Pang-masa
Batangas shootout: 3 suspek, 1 pulis todas
Ang dalawa sa tatlong gunman na napatay ng mga otoridad sa isang shootout sa labas ng isang sabu­ngan sa Calatagan, Batangas, na kung saan ay na-patay ang pulis na si Patrolman Gregorio Pa­nganiban Jr.
larawan ng BPPO

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong la­laki na pinaghihinalaang miyembro ng gun for hire at isang pulis sa naganap na shootout sa Calatagan, Batangas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Gregorio Panganiban Jr., nakadestino sa Calatagan Police at tatlong suspek na sina Joel Robles Herjas; Rolly Herjas; at Gabriel Robles Bahia, pawang mga residente ng Barangay Biga ng nasabing bayan.

Nasugatan naman nang tamaan ng ligaw na bala sina Joselito Carlum; at Mayumi Dunaway.

Ayon sa ulat, bago nagkaroon ng shootout, alas-10:00 ng gabi ay nakatanggap ng impormas­yon ang pulisya  na mayroon umanong tatlong armadong kalalakihan na nakatambay sa pali­gid ng Calatagan Cockpit Arena.

Napag-alaman na ang mga armadong suspek ay pakay umanong itumba si Michael Comaya, isang municipal councilor ng Lian, Batangas at admi­nistrador ng nabanggit na cockpit arena.

Agad rumesponde ang mga otoridad sa area para i-verify ang nasabing report gayunman, habang paparating ay agad silang pinaputukan ng mga suspek at tinamaan agad si Panganiban sa dibdib.

Gumanti ang mga pulis ng putok hanggang sa mapatay ang tatlong gunman. - Ed Amoroso

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with