^

PSN Showbiz

Kim, nasa tagaytay lang?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, nasa tagaytay lang?!
Kim Chiu

Ah sa Tagaytay pala yung pictorial ni Kim Chiu na posted sa kanyang social media pages.

“Lost in the quiet of my own thoughts.,” caption ni Kim sa series of photos sa nasabing property niya sa Tagaytay na sinabi ng ibang fans na ibinenta raw ng kapatid niyang Lakambini pero hindi naman pala totoo.

Paano raw mabebenta ‘yun ni Kim eh naka-loan pa diumano ‘yun sa bangko.

Anyway, unglam si Kim sa nasabing series of photos. Walang ka-make up make up.

At kita naman na nag-gain siya ng weight.

But anyway, may ilang fans na naman ang nag-chika na diumano’y pinaalis na ni Kim
ang butas sa pusod niya dahil lalaki diumano ang tiyan niya. Mensahe ng fan :

“Kimmy, mahal ka namin, at narito kaming naghihintay na bumalik ka nang mas malakas. Ipagdasal mo lang na malampasan mo lahat ng pagsubok, dahil hindi ka namin bibitawan ni Paulo.”

Well, wala ngang pag-amin na preggy na si Kim, pero hindi siya nagpapakita kahit sa mga opening ng kanyang business, mga kapatid niya ang namamahala rito.

Anyway, ang dami namang nag-comment sa nasabing post ni Kim kasama na sina Anne Curtis, Ogie Alcasid, Bianca Gonzales, at marami pang iba.

Iisa lang ang message nila, nami-miss nila si Kim.

Pero may nag-comment din naman na file photos lang daw ‘yun.

Well, choice naman niya at I’m sure alam naman niya ang responsibilities ng isang ina kung sakaling totoo ang mga usap-usapan na diumano’y nagdadalang tao siya sa kasalukuyan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with