Sikat na influencer, binubudol ang mga event organizer sa abroad
Abusada raw pala ang isang sikat na influencer kapag naiimbitahan sa events sa ibang bansa.
Syempre, may entourage si influencer para may tagadala ng gamit niya.
Sa dinaluhan na isang out of the country speaking engagement, namimili si influencer ng mga damit after ng kanyang engagement.
Pera naman daw niya ang ginagastos. Pero madalas na napaparami ang bili ng kailangan niya. Para magkasya sa maleta ang mga ito, ginagamit niya ang maleta ng mga kasama upang doon ilagay ang pinamili!
Kaya naman madalas na overweight ang bagahe niya at bagahe ng kasamang staff.
Ang modus ng influencer? Naku, binududol ang nag-imbita sa kanya para mabayaran ang kanyang excess baggage!
Eh walang magawa ang nag-imbita kaya pikit-matang binabayaran ang sobra sa allowed na kilo sa eroplano!
Daig pa ng influencer ang mga sikat na artista o singers na sila ang nagbabayad ng excess baggage nila at hindi ang promoter, huh!
Shuvee, binabantayan si Anthony
Feeling dyowa si Shuvee Etrata kay Anthony Constantino na isa sa housemates ngayon sa Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother (PBB): Collab Edition 3.0.
May lumabas na news item sa social media na huwag daw magkukuwento tungkol sa karanasan ni Shuvee sa PBB.
Eh may nagsi-ship kina Shuvee at Anthony kaya laging sila ang madalas gawing loveteam!
Afraid marahil si Shuvee na mabaling ang tingin ni Anthony sa girl housemates na nasa PBB ngayon!
Mawawala ang ilusyon ni Shuvee na gusto siya ni Anthony, huh!
- Latest


























