^

PSN Showbiz

TNT nationwide online karaoke challenge, kasado na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinasa na ng TNT ang Sayaoke ang kauna-unahang pambansang online karaoke competition na pinalakas ng TNT 5G, ang swabe at maaasahang 5G connection sa bansa.

Kaya mag-record na ng audition video gamit ang Vivaoke app at awitin ang anumang sikat na kanta mula sa OPM library ng Viva. Pagkatapos nito, ipadala ang entry sa official site na https://sayaoke.tntph.com.

Mula sa audition, 48 na mapapalad na kalahok ang uusad sa online bootcamp kung saan tuturuan sila ng mga vocal coach para mas lalong maging agaw-pansin ang kanilang performance.

Sasabak ang mga finalist sa pambansang tapatan sa pamamagitan ng mga Sayaoke Birit Booths na ikakalat sa buong bansa.

Mapapanood ang kanilang mga performance sa TikTok Live.

Maaaring mag-uwi ng P300,000 cash prize ang winning finalist sa bawat weekly showdown!

Welcome na welcome rin na makisaya ang ibang TNT subscribers sa Sayaoke. Para bumoto sa iyong paborito, mag-load lang ng mga piling TNT promo para makakuha ng voting credits. Gamitin ito pamboto sa bet mong singer habang todo-bigay sila sa live show.

Maaari rin silang manalo ng sangkatutak na papremyo ng TNT tulad ng cash, 5G smartphones, motorsiklo, e-bikes at marami pang iba.

Lahat nang ‘yan ay posible dahil sa lupit ng TNT 5G na nakakabit sa mga Sayaoke Birit Booths. At lalo pang pinalawak ang TNT 5G sa iba’t ibang panig ng Pilipinas tulad ng Iloilo City, Bacolod City, Davao City at Zamboanga City – at marami pang susunod!

Samantala, pinalakas ng Smart ang TNT 5G, na ginawaran kamakailan ng Ookla® ng Best Mobile Video Experience award sa Pilipinas para sa first half ng 2026, matapos makakuha ng pinakataas na Video Score na 72.82.

TNT 5G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with