^

Metro

2 PNP opisyal sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 PNP opisyal sinibak
More than 300 newly appointed police non-commissioned officers from the National Capital Region Police Office (NCRPO) arrive at the Manila Police District on January 26, 2026.
STAR / Noel Pabalate

‘Nangialam’ sa kaso ng missing sabungeros

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil umano “pangingialam” sa kaso ng mga missing sabunger­os matapos na magsampa ng kasong administratibo ang limang kaanak ng mga biktima sa Natio­nal Police Commission (Napolcom).

Ang dalawang opis­yal ay kinilalang sina Highway Patrol Group (HPG) Spokesperson PLt. Nadame Malang at PMaj Reynaldo Pañebe Jr. ng PNP Custodial Center.

Ayon kay HPG chief PBGen. Rommel Batangan, inalis na sa puwesto si Malang sa utos ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at nasa floating status sa kanilang headquarters simula pa nitong Miyerkules.Papalit kay Malang si Lt. Chitadel Gaoiran bilang HPG spokesperson.

Paliwanag ni Batangan, nais lamang umano ni Malang na matulu­ngang makapasok sa loob ng PNP custodial ang mga private individuals na humingi ng assistance.

Sa panig naman ni Pañebe, sinabi ni Headquarters Support Service (HSS) chief PBGen. Manuel Abrugena na hindi umano niya alam na bumisita sa PNP custodial facility ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa mga complainant, tinulungan umano ng dalawang opisyal ang iba pang complainant na makapasok sa custodial facility upang makausap ang mga akusado sa nawawalang sabungeros.

Giit naman ng iba pang complainant na marami ang umatras sa kaso matapos umano makatanggap ng P40,000 na buwanang ayuda.

NAPOLCOM

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with