^

Metro

Mag-inang bugaw ng 7 minor, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-inang bugaw ng 7 minor, timbog
Sa ulat ni Taguig CPS Officer-in-Charge, PCol. Byron Allatog, nakapiit na sina alyas “Hazel”, 42 at “Joylyn”, 19, residente ng Calzada-Tipas, Taguig City, habang inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), na inamyendahan ng RA 10364, RA 11862, RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang ina at dalagang anak nito na magkasabwat sa online exploitation sa pitong menor-de-edad kabilang ang sariling anak, sa isinagawang entrapment at rescue operation ng Taguig City Police Station, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni Taguig CPS Officer-in-Charge, PCol. Byron Allatog, nakapiit na  sina alyas “Hazel”, 42 at “Joylyn”, 19, residente ng Calzada-Tipas, Taguig City, habang inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), na inamyendahan ng RA 10364, RA 11862, RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act).

Dakong alas-10:20 ng gabi ng Setyembre 3, nang isagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspek, kung saan nasagip ang 7 menor-de- edad.Nadiskubre ang ginagawa ng mag-ina nang isa sa biktima ang nagkwento sa kanyang titser na ipinaalam naman sa pulisya.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang ina ng mga biktima ay nagre-record ng malalaswang video ng kanyang mga anak at ibinebenta ito online sa mga dayuhang kliyente sa halagang P2,500 kada transaksyon. Siya ay naiulat na tinulungan ng kanyang 19-anyos na anak na babae, na pinilit din ang kanyang sari­ling 3-taong-gulang na anak-apo ng suspek-sa pagsasamantala.

Matapos ang validation at koordinasyon sa Women and Children Protection Desk (WCPD), nakumpirma sa operasyon ang iligal na gawain nang makumpiska ang mga hubad na larawan at video online ng mga batang may edad 3-17. Nasamsam din ang ilang sexual gadgets at cellphone na ginamit sa online sexual exploitation.

Kasama ng kapulisan ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para kumilos bilang pansamantalang tagapag-alaga, pinadali ang medico-legal na eksaminasyon at medikal na pagsusuri, at nagbigay ng kagyat na psychosocial intervention. Nakipag-ugnayan na rin ang Lungsod ng Taguig sa child-caring facility kung saan ililipat ang mga biktima para sa pangmatagalang rehabilitasyon pagkatapos ng inquest proceedings.

Mariing kinondena ni Mayor Lani Cayetano ang panibagong kaso ng child exploitation at na­ngako na walang humpay ang gagawing pagba­bantay laban sa child exploitation na katunayan ay nasa 50 menor-de-edad na ang nasagip simula noong 2022.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with