Centralized slaughterhouse sa Quezon City, isinusulong sa lungsod

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Quezon City ang pagkakaroon ng Centralized Slaughterhouse sa lungsod.
Ito ay makaraang magpulong sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at National Meat Inspection Service - NCR Director Dr. Fernando Lontoc para sa pagtatayo ng naturang pasilidad.
Ayon sa QC LGU, layon ng pagtatayo ng pasilidad na matiyak na may sapat na suplay at malinis ang proseso sa mga karneng kinukonsumo ng QCitizens.
Bubuo ng mga hakbangin ang magkabilang panig ng mga paraan upang makarating ang mga karne sa mga pamilihan sa QC na may tatak ng pagkasuri ng NMIS para pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.
Nakiisa sa pulong sina Market Development and Administration Department OIC Atty. Mark Aldave at City Planning and Development Department OIC Jed Gomez.
- Latest




















