^

Metro

Mayor Joy sa mga barangay officials: Flood control projects, i-report

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy sa mga barangay officials: Flood control projects, i-report
Quezon City Mayor Joy Belmonte
Quezon City Government Facebook Page

MANILA, Philippines — Hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tulong ng mga barangay officials na report sa QC LGU ang mga flood control projects sa kani kanilang lugar.

Nabatid na nakipagpulong si Belmonte sa mga barangay chairman ng iba’t ibang distrito bilang bahagi ng pagsisiyasat sa mga flood control projects sa lungsod.

Dito’y iniutos ni Belmonte ang mas matibay na pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa pamahalaang lungsod, partikular sa pagtukoy ng mga flood control projects na isinagawa ng DPWH sa kani-kanilang lugar.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na flood control audit ng lungsod, kung saan lahat ng nakalap na datos ay isusumite sa mga itinalagang ahensiya ng Pangulo upang imbestigahan ang isyu ng flood control projects.

Inanunsyo din ni Belmonte na nagpahatid ng suporta at tulong ang MMDA at SMC President Ramon Ang para sa pagpapatupad ng ilang bahagi ng QC Drainage Masterplan kabilang dito ang pagpapagawa ng mga rainwater catch basin, at dredging sa mga ilog.

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with