Mayor Vico, handang tumestigo vs flood control projects

Kung ipapatawag sa Senado
MANILA, Philippines — Handa si Pasig City Mayor Vico Sotto na tumestigo sa Senado sakaling ipatawag siya bilang resource person sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa flood control projects.
Ayon kay Sotto, required siyang tumestigo at sumipot sa Senado, sakaling imbitahan siya upang magbahagi ng kanyang nalalaman hinggil sa kontrobersiyal na isyu ng flood control kung saan nadadawit ang kanyang nakalaban sa mayoralty race na si Sarah Discaya at asawa nitong si Pacifico “Curlee” Discaya.
“Wala namang invitation sakin sa ngayon,” aniya pa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Sotto na tutulong ang Pasig City Government sa imbestigasyon ng mga senador sa flood control projects.
Tiniyak pa niya na sa ngayon ay nagsasagawa na rin sila ng sariling imbestigasyon hinggil dito.
Giit pa ni Sotto, dapat na managot ang mga taong sangkot sa anomalya, maging government official, contractor, suppliers at career officials mga ang mga ito.
“Hindi pwedeng pagkatapos ng ilang buwan tatahimik na lang ang issue at magkakalimutan tayo,” aniya pa
- Latest






















