Napolcom ipinagbabawal ‘plastik’ sa opisina

MANILA, Philippines — Ipinagbawal ng National Police Commission (Napolcom) ang paggamit ng single-use plastics sa lahat ng tanggapan nito bilang bahagi ng kampanya para sa kalinisan at pangangalaga sa kalikasan.
Sa memorandum na nilagdaan noong Agosto 28 ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Commissioner Rafael Vicente Calinisan, inatasan ang lahat ng central at regional offices na iwasan ang paggamit ng disposable plastics sa mga aktibidad gaya ng meeting, training, at conference.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ay plastic straw, stirrer, kubyertos, disposable cups at food containers, single-use water bottles, at plastic bags.
Hinikayat ang mga empleyado na gumamit ng refillable containers, reusable utensils, eco-bags, at biodegradable na materyales.
Ayon kay Calinisan, layunin ng polisiya na linangin ang “kultura ng responsibilidad at sustainability” sa loob ng workplace, alinsunod sa UN Sustainable Development Goals at mga lokal na ordinansa sa pangangalaga ng kapaligiran
- Latest
















