Massage spa hinoldap, 2 sa 13 masahista ni-rape

MANILA, Philippines — Pinasok ng dalawang armadong holdaper ang isang massage spa at tinangay ang mga mahahalagang kagamitan ng 13 masahista na hindi pa nakuntento ay ginahasa pa ang 2 sa mga babae na kinursunada ng mga ito sa Pasay City nitong Biyernes ng madaling araw, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ulat ng Pasay City Police, ang mga biktimang sina alyas “Michelle at “Jolina”; pawang 22-anyos ay na-shock matapos na gahasain pa ang mga ito matapos na puwersahang tangayin ang kanilang mga cellphone.
Samantalang kinuha rin ng mga suspect ang mga pera, alahas, cellphone at iba pang kagamitan ng 11 pang mga babaeng massage therapists na pawang residente ng Brgy. 140 ng lungsod.
Tinutugis na ng Pasay City Police ang dalawang suspect na armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril na mabilis na tumakas sakay ng isang puti na Honda Click motorcycle.
Bandang alas-12:55 ng madaling araw nitong Agosto 29, 2025, nang pasukin ng dalawang holdaper ang massage parlor na matatagpuan sa Brgy, 140, ng naturang siyudad kung saan agad ang mga itong nagdeklara ng holdap matapos na tutukan ang baril ang mga masahista dito.
Hindi pa nakuntento matapos na puwersahang kunin ang cellphone at pera ng mga biktima ay dalawang magandang therapist ang kinursunada ng mga ito at pinag-tigisahang halayin.
Nagsagawa ng technical investigation ang Special District Forensics Unit ng Southern Police District sa crime scene at nakakuha ng ebidensya na isasalang sa forensics examination habang sinuri na rin ang CCTV footage. Sa rogue gallery ng Pasay City Police, isa sa mga suspect ay tinukoy na si alyas “Ashley”, 23-anyos ng Pasay City ay positibong itinuro ng isa sa mga biktima na humalay at tumangay ng kaniyang mga gamit.
- Latest


















