^

Metro

Drinoga, iginapos: Binata, tinodas sa hotel!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Drinoga, iginapos: Binata, tinodas sa hotel!
Sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nakilala ang biktima sa alyas “Nan”, 38, at residente ng Concepcion, Marikina City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang binata na pinaniniwalaang drinoga ang natagpuang bangkay at nakagapos ang mga kamay at paa at may busal sa bibig sa loob ng isang hotel sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nakilala ang biktima sa alyas “Nan”, 38, at residente ng Concepcion, Marikina City.

Ayon kay QCPD ­acting director, PCol. ­Randy Glenn Silvio, isa sa mga suspek na si alyas “James,” 20, ng Bulacan ay naaresto bandang alas-10:45 ng umaga kahapon sa harap ng isang fastfood chain sa Bagong Barrio, Brgy. 139, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSG Angel T. Pascasio III, bandang alas-8:12 ng gabi nitong Huwebes, nang matag­puan ang bangkay ng biktima sa loob ng hotel na matatagpuan sa Annapolis St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Lumilitaw na regular guest sa hotel ang biktima at tatlong araw nang naka check in.

Sa record ng hotel, Agosto 26, bandang 8:00 ng gabi nang mag-check-in, ang biktima kasama ang mga dalawang  lalaki sa Room 543.

Kinabukasan, Agosto 27, nang tinawagan ng receptionist ng hotel ang mga naka-check in sa room 543 upang ipaalam na natapos na ang kanilang oras.

Nagpasya na lamang na lumipat ng Room 310 ang biktima at mga suspek.

Nang tapos na ang oras ng Room 310, tumawag ang ­receptionist subalit wala nang sumasagot kaya pinuntahan na ng hotel room attendant na si alyas “Danilo” at guwardiya na si alyas “Melchor”  ang Room 310.

Kinatok ni alyas “Danilo” at alyas “Melchor” ang kuwarto ngunit wala pa ring sumasagot kaya napilitan silang gamitan ng duplicate.

Dito ay tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng biktima, na nakagapos ang magkabilang kamay at paa gamit ang extension wire at may busal na tela ang bibig nito.

Dumating ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit, sa pangunguna ni PMaj. Michael Jael at sa pagsusuri ay nakasamsam sila sa Room 310 ng ilang mga syringe isang vial, at mga tableta.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya  sa insidente habang pinag­hahanap pa ng pulisya ang isa pang suspek.

GLENN SILVIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with