10 porsiyento taas sa retirement at disability pension – SSS

MANILA, Philippines — Awtomatikong ipagkakaloob ng Social Security System (SSS) ang 10 percent increase sa retirement at disability pension para sa mga pensioners nationwide.
Sa pagdiriwang ng ika-68th anniversary ng SSS, sinabi ni SSS President at CEO Robert Joseph de Claro na epektibo ngayong Setyembre 2025, diretso na nilang ibibigay sa account ng mga pensioners ang benepisyo kaya’t hindi na sila maaabala pa para magtungo sa alinmang SSS branches.
Aniya, nasa halos 4 milyon ang mga pensioners nationwide.
Sinabi ni de Claro na ang taas pension ay tatlong taon ipagkakaloob ng SSS sa mga pensioners o mula ngayong September 2025 hanggang 2027.
Layon aniya ng programa na kilalanin ang naging kontribusyon ng mga pensioners sa SSS.
- Latest
























