P2 milyong pekeng sapatos nasamsam ng CIDG
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mahigit sa P1.7 milyong halaga ng mga pekeng sapatos sa isang shopping center sa Pasay City nitong Huwebes ng hapon.
Siyam na indibiduwal naman ang dinakip na nahuli sa aktong nagbebenta at nagtatatak ng mga sapatos.
Pinasok ng mga operatiba ang anim na stall sa Cartimar Shopping Center at naaresto sa siyam na suspek at nasabat ang nasa 738 pares ng sapatos.
Kinasuhan ang mga naarestong suspek sa National Prosecution Service ng paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code.
- Latest


















