Sa kabila ng palitan ng liderato sa PNP: Operasyon, normal

MANILA, Philippines — Kasunod ng biglaang pagpapalit ng liderato sa Philippine National Police (PNP), sinabi PNP Public Information Office na mananatiling propesyonal ang organisasyon.
Ayon sa PNP-PIO, hindi mauudlot ang kanilang operasyon at pagbibigay serbisyo sa publiko.
Malinaw sa mandato ng PNP na manatiling tapat at magbibigay proteksiyon sa publiko.
Tiniyak ng PNP na iginagalang nila ang direktiba ng Malacañang at buo ang kanilang suporta sa kanilang bagong pinuno na si PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Umapela naman ang PNP sa publiko, na iwasan ang espekulasyon at pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon.
Giit ng PNP, magiging transparent sila at magbibigay ng mga update kapag may mga bago ng development sa organisasyon.
- Latest

















