Torre pinanindigan balasahan sa PNP
MANILA, Philippines — Pinanindigan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Nicolas Torre III ang kanyang ipinatupad na balasahan matapos na ipakilala ang kanyang command group sa flag raising ceremony sa Kampo Crame.
Ipinakilala ni Torre sina PLtGen. Bernard Banac bilang Deputy Chief PNP for Administration, PLtGen. Edgar Allan Okubo bilang Deputy Chief PNP for Operations at PMGen. Neri Ignacio bilang Chief of the Directorial Staff ng PNP.
Matatandaang nagpatupad si Torre ng balasahan noong Agosto 6 kung saan kabilang dito ang pagpapalit ng puwesto nina Banac at PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang no. 2 man sa PNP gayundin sa Area Police Command - Western Mindanao.
Sa kabila nito, naniniwala si Torre III na natuldukan na ang hindi nila pagkakaunawaan ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Hindi man kinumpirma na namagitan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Torre na ipinaubaya na niya sa Malacañang ang isyu. Aniya, “moving forward” at kanila nang haharapin ang iba pang mga usapin.
Sa ngayon, mananatili sa puwesto ang opisyal na sakop ng huling balasahan kasama na si PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Bernard Banac na bagong no. 2 man ng PNP.
- Latest

















