^

Metro

Alak, vendor off-limits sa paligid ng UST, San Beda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Para sa 2025 Bar Exams

MANILA, Philippines — Naglabas na ng Executive Order si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagbabawal sa pag-inom at pagbebenta ng alak, mga vendor at pag-iingay sa paligid ng San Beda University at University of Santo Tomas (UST) kaugnay ng isinasagawang 2025 Bar Examinations sa Setyembre.

Sa ilalim ng Executive Order No. 41, ipinatutupad ang liquor ban, pagbabawal sa mga vendor, pag-iingay at iba pang aktibidad sa loob ng 500-meter radius sa dalawang unibersidad.

“This is to maximize concentration and focus of the bar examinees as they take this milestone in their lives,” nakasaad sa EO ni Domagoso.

Nakasaad sa Section 1 ng EO, ipatutupad ang liquor ban mula madaling araw ng Setyembre 6 hanggang alas-10:00 ng gabi ng Setyembre 7; mada­ling araw ng Setyembre 9 hanggang alas-10:00 ng gabi ng Setyembre 10; at madaling araw ng Setyembre 13 hanggang alas-10 ng gabi ng Seytembre 14.

Ipinagbabawal naman sa Section 2 ng EO ang mga mga ambulant vendors sa loob ng 500-meter radius mula madaling araw ng Setyembre 6 hanggang madaling araw ng Setyembre 8; mada­ling araw ng Setyembre 9 hanggang madaling araw ng Seytembre 12 at madaling araw ng Setyembre 14 hanggang madaling araw ng Setyembre 16. Layon nitong maiwasan ang traffic sa mga lugar.

Bawal din ang paggamit ng videoke, karaoke at anumang malalakas na bagay sa ilalim ng Section 3 habang isinasaad ng Section 4, na bawal ang anumang political rallies, parades, “salubong” events, parties at concerts habang may bar exams.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin alinsunod sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod. Ipatutupad din ang road closures sa paligid ng UST at San Beda sa Setyembre 7, 10, at 14.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with