^

Metro

Tanod ipakakalat sa mga paaralan - DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikakalat na rin sa loob at paligid ng paaralan ang mga barangay tanod.

Ito naman ang kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasunod ng pamamaril na naganap sa isang eskuwelahan sa Nueva Ecija na ikinasawi ng suspek at ikinasugat ng biktima.

Base sa Memorandum Circular 2025-072, inatasan ng DILG ang mga barangay na makipag-ugnayan sa DepEd para sa deployment ng mga tanod na magbabant­ay sa pagpasok, paglabas, pagmando ng trapiko at maging sa pagmo-monitor sa mga lugar na madalas na tambayan ng mga estudyante.

Ire-report ng mga ­tanod sa Punong Barangay o pulis ang mga insidente sakaling may pagbabanta ang mga estudyante.

Ang mga city at municipal mayor naman ang magbibigay ng logistical support sa mga barangay upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at mismo sa paaralan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, ang mga tanod ay nagsisilbing bilang augmentation ng mga pulis upang mapanatili ang peace and order sa kanilang komunidad.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with