^

Metro

Kamote rider nag-counterflow sa Skyway

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kamote rider nag-counterflow sa Skyway
Department of Transportation Secretary Vince Dizon on March 6, 2025.
STAR / Miguel De Guzman

Perpetual revocation ng lisensiya

MANILA, Philippines — Habambuhay o perpetual revocation ng driver’s license ang agad iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa lisensya ng driver na nahuling nag-counterflow sa Skyway, Sabado ng  madaling araw.

Batay sa CCTV ­footage, dakong alas-3:32 ng madaling araw nang makita ang ­sasakyan na pasalubong na pumasok sa kabilang lane ng Skyway.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, hindi lamang suspensiyon ang dapat ipataw sa driver dahil nilagay nito sa peligro ang mga motoristang guma­gamit ng naturang expressway.

“Hindi lang sa ordinaryong kalye, sa Skyway mismo. Hindi katanggap-tanggap ito,” ani Dizon sa panayam ng isang radio network.

Isa pang dahilan na dapat na hindi aniya, pamarisan ang kanyang ginawang “reckless ­driving” kaya marapat na habambuhay na siyang hindi makapagmaneho.

“Pina-show cause order na natin ang driver within this week. Mag-iimbestiga na tayo pero ang ni-recommend ko, inutos sa LTO, huwag nang palagpasin ito,” ani pa ni Dizon.

Kita rin ang mabilis na takbo ng sasakyan.

Hinihintay na lamang ang report ng tollway enforcers para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa nasabing motorista.

Nabatid na pansamantalang sinuspinde na ng 90-araw ang lisensiya habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with